GMA bossing walang planong patawarin si Sarah

Nagtaka naman kami sa pahayag ni Sa­rah Lahbati sa interview sa kanya after niyang nag-file ng dalawang kaso laban kay Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films at sa mga kasama nito ng grave coer­cion at perjury. Ayon kay Sarah, willing na­man siyang makipag-settle, pinuri, at nagpasalamat pa siya kay Atty. Annette dahil kung hindi sa kanila ng GMA Network, Inc. hindi naman siya makikilala. 

Ang tanong lamang, willing pala siyang makipag-usap bakit hindi muna iyon ang ginawa niya kesa nag-file siya ng demanda? Sinagot ito ni Atty. Annette sa pamamagitan ng shoutout niya sa Facebook na “Settlement is out of the question. Wrong move.” 

Ibig bang sabihin, walang settlement na mangyayari? Ang ICONS Management na kasama sa demanda ni Sarah ay nagsabing magsasalita sila ng kanilang side at the proper time and at the proper forum. 

Claudine hindi pa makakagawa ng pelikula, kailangan pa ring magpapayat

Sa isang dinner with some press friends, naging topic ay kung ano ang laman ng video na sinasabi ni Claudine Barretto na ang asawang si Raymart Santiago raw ang kumuha. 

Say ng isang close kina Raymart at Claudine, kilala niya ang aktor na hindi magsasalita, kung totoong may video man, kung ikasisira ng kanyang pamilya. Iyon din ang sagot ni Raymart sa thanksgiving party ng kanilang ser­yeng Home Sweet Home na may beautiful ending sa Friday, July 19, na 8th birthday din ng anak nilang si Santino. 

Tungkol pa rin sa gagawing pelikula ni Claudine sa Viva Films at Star Cinema, sinabi ng ka-dinner namin na hindi pa makagagawa ng project ang aktres hanggang hindi ito pumapayat, iyon lamang ang request sa kanya ni Boss Vic del Rosario, para mu­ling makabalik sa showbiz. Pero kita noong birthday ni Sabina na malusog pa rin si Claudine.

Ritz nahirapang umarteng inosente

Puwede nang mag-taping si Christopher de Leon sa bago niyang tele­serye sa ABS-CBN dahil ngayong third week na ng sexy serye ng TV5 na Misibis Bay, pumanaw na ang character niyang si Anthony Cadiz. Pero questionable ang kanyang pagkamatay at una sa ina-accuse ang asawang si Maita (Ritz Azul) na pinaghinalaan, lalo na nang basahin ang last will and testament, dahil sa kanya halos napunta ang buong kayamanang naiwan ng asawa. 

“Dito na ako medyo nahirapan,” sabi ni Ritz. â€œKailangan kong patunayan na wala akong ka­sa­lanan at kailangan ko nang umarte na matibay ako. Salamat sa suporta ng mga kasama ko at na­gampanan ko ang mahihirap na eksena.”

 

Show comments