Maricar Reyes buntis na?!

Itinanggi na ni Marian Rivera na siya ’yung MR na tinutukoy sa blind item ni Ogie Diaz na buntis. Marami ang nagtanong na fans sa aktres sa kanyang Instagram at sinagot naman niyang hindi ito totoo at kung sakaling mabubuntis siya ay ipapaalam niya agad-agad sa kanyang fans.

In fairness naman kay katotong Ogie, nagbigay siya ng mga choice kung sino ang MR na tinutukoy niya at isa lang dito si Marian. Ang iba pang artistang inilagay niya na posibleng isa sa nagdadalang-tao ay sina Mariel Rodriguez, Manilyn Reynes, Maricar Reyes, at Melissa Ricks.

Well, among these stars, mas gusto naming isipin na si Maricar Reyes ang tinutukoy ni kasamang Ogie na as we all know ay kakakasal lamang kay Richard Poon.

Okay din kung si Mariel pero we doubt kung buntis nga siya dahil sa daldal na ’yan ng TV host, tiyak ay inanunsiyo na sana niya ang tungkol doon.

Melissa naunsyami na naman ang wish na magkatuluyan na sila ni Paul Jake

Nabanggit na rin lang si Melissa, ang mas latest ngayon sa young actress ay ang pagbi-break nila ni Paul Jake Castillo kaya feeling namin ay hindi siya ang sinasabi ni Ogie D. na buntis.

Si Paul Jake mismo ang kinumpirma ng break­up sa interview niya sa The Buzz last Sunday. Ayon kay Paul Jake, naging maayos ang kanilang hiwalayan.

“Yes, we are perfectly fine. Yes, we are friends. There’s no bad breakup. No bad blood,” pahayag ni Paul Jake.

Hindi na sinabi ng former Pinoy Big Brother housemate kung ano ang dahilan ng paghihiwalay at ang say niya lang, sa ngayon ay magpo-focus muna siya sa kanyang business.

Tsk! Akala pa naman namin, “this is it” na for Melissa na kailan lang ay inaming wish niya ay si Jake na ang right man for her.

Coco at Izzy namigay ng tulong sa mga estudyante

Sinimulan na kamakailan ni Coco Martin ng Juan dela Cruz at child star na si Izzy Canillo ng My Little Juan ang kanilang bagong misyon para sa mga mag-aaral na Pilipino sa paglulunsad ng Juan Fun School Day.

Namahagi sina Coco at Izzy ng iba’t ibang school supplies tulad ng mga notebook, papel, at bag sa mahi­git 200 estudyante ng Ramon Camus Elementary School sa Ma­labon City.

“Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong kami sa mga estu­dyante. Sana makatulong sa pag-aaral nila ’yung bags at school supplies na ibinigay namin. Ito naman talaga ang layunin ng Juan dela Cruz, ang makapagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan,” sabi ni Coco.

Ayon naman kay Izzy, masaya siya na magkaroon ng pagkakataon na makapagbigay inspi­rasyon sa mga batang tulad niya.

 â€œNakakatuwa po kasi nakakatulong po ako sa mga batang katulad ko. Tulad po ng itinuturo ni Fr. Cito (Jaime Fabregas) sa My Little Juan, dapat daw po tulungan natin ang mga taong nangangailangan,” sabi ni Izzy.

Show comments