Dumaranas ng birthday blues? Sarah nag-iisip kung ipagpapatuloy pa ang career

Sarah Geronimo will be turning 25 on July 25. Ang birthday wish niya ay sana lalo pa siyang mag-grow.

“Sana mag-grow ako, lahat ng relationships ko, ’yung relationship ko with my family, with the Lord, at ’yung relationship ko with ’yung mga kasama ko sa trabaho,” say niya in a TV interview.

When asked kung kasama na ba ang love life sa wini-wish niyang mag-grow, sagot niya, “Siyempre parte ’yun, na the next time I fall in love ’yun pa rin. Sana totoo na talaga.”

Aminado rin si Sarah na may mga pagkakataong inisip-isip niya kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang career.

“May panahon na iniisip ko kung ano talaga ang mangyayari, ano ba talaga ang gusto ko? Ipagpapatuloy ko ba ‘to? Meron ba akong isang pangarap na sa tingin ko doon talaga ako magiging mas masaya?” she said.

Hmmm, mukhang may birthday blues si Sarah, huh!

Nora malaking kawalan ang pinakawalang ‘maindie’

Ang Superstar na si Nora Aunor pala dapat ang magbibida sa “maindie film” na Burgos ni Direk Joel Lamangan na life story ni Edita Burgos at tumatalakay tungkol sa pagkawala ng kanyang aktibistang anak na si Jonas Burgos.

Pero hindi na kinaya ng produksiyon na hintayin pa nila ang schedule ni Ate Guy lalo pa nga’t may kailangan din silang i-meet na deadline para umabot ito sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Instead, si Lorna Tolentino ang ipinalit kay Ate Guy at best choice naman talaga ang aktres dahil napakahusay ng pagkakaganap niya bilang Edita. After watching the film sa ginanap na press screening, we must say, kawalan ni Ate Guy ang hindi pagkakatuloy sa movie.

Ang Burgos ay produced ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista at ipapalabas sa Aug. 3 sa CCP Main Theatre sa ganap na alas-nuwebe ng gabi bilang closing film sa 2013 Cine­malaya Independent Film Festival.

May tentative playdate rin ito ng regular commercial run sa darating na Aug. 28 although magkakaroon muli ng whole day screenings at gala premiere sa Aug. 26 bilang fund-raising sa Free Jonas Burgos Movement at Karapatan office.

Bukod kay LT, kasama rin sa pelikula si Tirso Cruz III na gumaganap bilang asawa ni Edita, na batikang publisher ng Malaya noong rehimeng Marcos. Ang mga gumanap na kanilang mga anak ay sina Allen Dizon (Sonny), Dimples Romana (Peachy), Bangs Garcia (Ann), Kerbie Zamora (JL), at Rocco Nacino (Jonas). Si Ina Feleo ang gumanap na Me Ann, asawa ni Jonas.

Last April 28 ay ika-anim na taon nang nawawala si Jonas at hanggang nga­yon ay hindi pa nakikita. Naglabas na ng desisyon ang Court of Appeals hinggil sa pagkakasangkot ng militar sa nasabing “forced disappearance” ni Jonas.

Joey Ayala aminadong nagbabakasali sa P1M sa PhilPop

Inanunsiyo na ang 12 finalists ng PhilPop (Philippine Popular Music Festival) at pasok ang mga komposisyon nina Joey Ayala (Papel), Ganny Brown (Askal), Marlon Barnuevo (Araw, Ulap at Langit), Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana (Dati), Johnny Danao (Kung Di Man), Jungee Marcelo (Pansamantagal), Myrus Apacible (Sana Pinatay Mo Na Lang Ako), Lara Maigue (Sa ‘Yo Na Lang Ako), Paul Armesin (Segundo), Adrienne Sarmiento-Buenaventura and Nino Regalado (Sometimes That Happens), Raffy Calicdan (Space), at Kennard Faraon (Time Machine).

Ang nakakatuwa, magkalaban ang mga kanta ng mag-sweetheart na sina Karylle at Yael Yuzon. Ang una ang kumanta ng Sa ’Yo Na Lang Ako habang ang Spongecola frontman naman ang kumanta ng Segundo.

Nakatsikahan naman namin ang music icon na si Joey Ayala at aniya first time niyang sumali sa ganitong songwriting competition at excited nga siya. Natatawa rin niyang inamin na sayang ang P1-million grand prize kung sakaling matsatsambahan niya.

“Ilang gigs na rin ’yan,” natatawa niyang sabi.

Gaganapin ang Finals Night ng PhilPop sa Meralco Theater sa Pasig City on June 20.

 

Show comments