Ilang taon lang ang nakalipas nang ang isang character ay dumadaing dahil malapit nang mabulag ang kanyang isang mata dulot sa magkakasunod na stress na dumating sa buhay niya. Sa mga naging interview nito noon ay humingi pa siya ng tulong para mapabuti ang kanyang karamdaman kahit na sinabi na ng kanyang doctor na mahihirapan na siyang makakita sa isang mata niya.
Humagulgol pa ito dahil paano na raw siya kung mawalan na ng paningin ang kanyang isang mata? Paano na raw siya makakapagtrabaho eh may mga binubuhay pa naman siya?
Nito lang ay nakita ang naturang character actress sa isang set ng TV drama. Tila maayos naman ang kanyang hitsura at mukhang hindi naman nabulag tulad nang kanyang pinagsasabi noon.
“Bulag ba ’yon? Eh kanina pa siya naglalaro ng Candy Crush sa iPad niya! Naalala ko noong mapanood ko siya sa TV ay naawa pa ako sa kanya. Aba, noong makita ko sa set na super laro siya ng Candy Crush, inisip ko kung totoo ba ang mga pinagsasabi niya noon o nang-eechos lang siya?†sabay tawa ng source namin.
“Kung sabagay, kilala namang echosera ang character actress na ’yan. Kung ang pagiging echosera ang ikinabubuhay niya eh di sige ituloy lang niya. Hindi ako magtataka kung bakit maraming nakakapagsalita ng hindi maganda tungkol sa kanya. Isa siyang malaÂking echosera talaga.â€
Alessandra gamay na sa pakikipagtrabahoang mga Koreano
Pagkatapos manalo ng magkakasunod na acting awards, may ginagawa namang international film ngayon si Alessandra de Rossi. Sinu-shoot niya ang isang Korean film, ang The Mango Tree, sa Cebu. Pinili siya mismo ng direktor nito na si Lee Soo Sung.
Hindi ito ang first time na gumawa ng isang foreign film si Alex dahil noong 2005 ay ginawa niya ang isang horror film na The Maid sa Singapore.
Kahit hindi masyadong marunong ng English language ang South Korean film crew, may interpreter naman sila sa set kaya walang problema para kay Alex.
“Nakatrabaho na kasi ako before sa Korea noong ginagawa ko ang Green Rose for ABS-CBN. Kaya alam ko na kung gaano sila ka-professional pagdating sa trabaho. Saka may oras talaga sila. Kapag sinabing eight hours lang ang trabaho, eksaktong eight hours lang. Pero marami na kaming na-shoot na mga eksena. At napaka-metikuloso nila,†pahayag ng aktres.
Meron ding entry sa Cinemalaya Independent Film Festival si Alex, ang The Liars naman, na mula sa direksiyon ni Gil Portes.
Kelan lang ay pumirma ulit ng exclusive network contract si Alex sa GMA 7. Wala pa raw siyang sisimulan na TV series kaya puro pelikula muna ang ginagawa niya.