Daniel at Kathryn buburuhin Got to Believe hindi nagustuhan ng mga bossing ng Kapamilya­

Kahit patuloy na pinagtatalunan kung tu­nay na nangyari o pralala lang, paboritong pak­sa pa rin ng mga showbiz press ang tungkol sa Mu­ling Buksan ang Puso at Got to Believe.

Sa katunayan, pinagsabay pa ang press launch ng dalawang teleserye ng ABS-CBN, on the same date and time. Ang Muling Buksan… sa 14th floor ang venue. Ang Got to Believe, idinaos sa Dolphy theater sa ground floor.

Pumutok ang usapan this week na sabay pi­na­nood ng mga network bigwigs ang dalawang tele­drama. Gusto nilang makita kung alin ang karapat-dapat na ilagay sa noon ay mababakanteng timeslot.

After their private viewing, lumabas ang ha­tol ng inampalan —ang Muling Buksan ang Puso ang nakakuha ng primetime slot. Kaya naman sinimulan na agad ang soap opera with three generations of stars, noong July 8, Monday.

Ang Got to Believe, ni hindi pa alam ang simula ng tele­cast. Nakabitin pa sa balag ng alanganin. Say ng mga fans, “You don’t do that to the hottest love team in town na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.”

Ang argument pa ng grupong ito, mahina ang hatak nina Enrique Gil, Julia Montes at Enchong Dee sa mga viewers. ‘Yon ang akala nila! At kung idadag­dag pa sina Susan Roces, Pilar Pilapil, Dan­te Rivero, atbp. Formidable ang cast ng Muling Buksan ang Puso.

Lagi naman diretso lang ang sinasabi ng TV ra­t­ing. Kung anong mga numero ang lumabas, ‘yun na. Abangan na lang natin kung tama ang desisyon ng mga ABS-CBN executives.

Aktres na nakasama sa nagtagumpay na serye at pelikula, nag-feeling diva

Nagkatotoong muli ang Tagalog dictum na, “na­lu­nod sa isang basong tubig.”

Simula nang magtagumpay ang soap at pelikula ng isang premyadong aktres, feeling diva na at luma­ki talaga ang ulo.  Pati mga caterer sa shooting, napag-iinitan. Nagtititili siya kapag wala sa nakahain ang kanyang mga gustong putahe.

Minsan naman na ibinigay ng caterer ang hiling niya, tinititigan lang ang food at tumatalikod.

Baka balang araw, haluan ng bubog ang kanyang ras­yon ng pagkain!

Sam hindi na Natuluy-tuloy sa Angela Markado

Ang bilis talaga ng panahon. Mahigit na three years na pala ang bonggang media launch ng pag­sa­sanib-pwer­sa ng Viva Films at Carlo J. Caparas Productions. Hanggang nga­yon, wala kahit isang natuloy sa maraming projects na binanggit nila.

Pati tuloy ang launching ni Sam Pinto to full stardom, naatraso. Siya ang napiling gu­manap sa title role na Angela Markado, na remake ng isang Lino Brocka Film, na nagwagi sa isang international film festival at ginampanan ni Hilda Koronel.

Ang dahilan kung bakit super bagal ang pag-usad ng career ni Sam, hindi naman ang kaseksihan o kapayatan niya. Hindi ko naman nakakausap ang starlet, pero ang say nila, hindi pa diretsong managalog hanggang ngayon.

Isa lang ang mapapayo namin kay Sam Pinto: Fly to Hollywood iha, at baka doon ka sumikat.

James Yap mamaniin lang ang P300,000

Sasagutin daw ni James Yap ang pag-aaral ng kanyang anak na si Bimby o Baby James, na ang halaga ng tuition fee sa International School ay P300,000 a year.

Kayang-kaya naman niya ito, dahil malakas naman ang kita niya as a leading hard court hero.

Ang napapansin ng mga amiga ko, nagiging lalong kahawig ng basketball star ang kanyang son, na magiging movie star sa 2013 Metro Manila Film Festival. Lumalabas ang hinanakit ng ama, na hindi man lang nasabi sa kanya na mag-aartista si Bimby.

Magagawa naman kaya niya ang tumutol? Natural hindi!

Boots Anson Roa magsusulat ng kanyang buhay

Maraming nagkukumbinse sa showbiz icon na si Boots Anson Roa, na isulat ang kanyang autobiography sa isang libro. Kabilang dito ang yumaong ace lineman na si Vic Valenciano, father ni Gary V.

Nakapag-decide na ang current Mowelfund president na simulan na ang pagsusulat ng kan­yang memoirs sa taong ito. Sigurado tayo na malaking bahagi nito ay isang very beautiful love affair with her depar­ted husband Pete Roa.

Alam na kaya ni Boots ang detalye noong magwagi siyang best actress sa FAMAS? Makipagkwentuhan siya sa amin para mabatid niyang lahat.

My friends and I were members of the award-giving body that year, kaya mga saksi kami sa buong kaganapan.

 

Show comments