Nabuhay na naman ang isyu na lilipat sa ibang TV network si Ogie Alcasid dahil absent siya kahapon sa Sunday All Stars (SAS).
No show kahapon si Ogie sa SAS dahil nagpunta sila sa beach ng kanyang pamilya para sa kanilang bonding moment.
Nakadagdag sa pagkabuhay ng lipatan isyu ang dialogue ni Ogie sa mga reporter na malalaman ang kanyang desisyon sa mga susunod na linggo.
Natapos noong June ang kontrata ni Ogie sa GMA 7 at ang duda ng press, true talaga ang balita na lilipat siya sa TV5. Ang feeling nila, hinintay ni Ogie na matapos ang kontrata niya sa GMA 7 para maiwasan ang anumang legal problems.
Alden hindi alam na nagpalit ng apelyido ang kasama sa show
Hindi yata alam ni Alden Richards na pinalitan na ang screen name ni Rita Iringan, ang co-star niya sa Mundo Mo’y Akin.
Nag-guest si Alden sa Startalk noong Sabado para i-promote ang nalalapit na pagwawakas ng Mundo Mo’y Akin.
Inisa-isa ni Alden ang pangalan ng kanyang co-stars at binanggit nga niya ang name na Rita Iringan.
Matagal nang De Guzman ang family name na ginagamit ni Rita. Ang concert producer na si Ana Puno ang nag-decide na palitan ang apelyido ni Rita dahil mas pang-celebrity ang De Guzman kesa IriÂngan. May pakialam si Ana sa changes na nangyayari sa career ni Rita dahil siya na ang manager ng singer-actress na mainstay sa primetime show ng GMA 7.
Puting bato inabot na ni Ate Vi kay Jennylyn
Kahapon ang continuation ng special appearance ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa Sunday All Stars.
Si Mama Vi ang nag-abot kay Jennylyn Mercado ng puting bato. Ang akala ng fans, magiging Darna si Jennylyn sa production number sa SAS ng kanyang team.
Mali ang hula ng fans dahil ang karakter niya sa Super Twins ang binuhay ni Jennylyn. Hindi na puwedeng umapir si Darna sa GMA 7 dahil nabili na ng ABS-CBN mula sa Ravelo Family ang rights para sa superhero na ginampanan noon nina Angel Locsin at Marian Rivera.
Rica dalawang buwang buntis na
Palaging inaantok si Rica Peralejo dahil two months pregnant siya sa panganay nila ng kanyang mister na si Joe Bonifacio.
Sa wakas, matutupad na ang dream ni Rica na magkaroon sila ng anak ni Joe. Three years na rin ang nakalilipas mula nang ikasal sila noong 2010.
Isa si Rica sa mga mababait na aktres na nakilala ko. Nagkasama kami noon sa Singapore at dito ko napatunayan ang kagandahan ng kanyang ugali. By choice ang pagiging inactive ni Rica sa showbiz dahil pinili niya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at maging loving and responsible housewife kay Joe.