Three weeks na naming napapanood ang Kris RealiTV ni Kris Aquino sa special anniversary presentation nito at simula sa cruise nila sa Malaysia, sa Singapore, at kahit sa mga island sa Pilipinas na pinuntahan nila, laging kasama ng TV host ang panganay niyang si Joshua at ang bunsong si Bimby. Makikita mo ang pagmamahal ni Kris sa mga anak lalo na nang magkasakit si Joshua noong birthday pa naman nito. Ang napansin namin, malaki na ang nabawas sa timbang ng panganay na anak.
From Kris na rin ay sinabi niyang healthy food na kasi ang kinakain ni Joshua: Fruits, cereal, salad, grilled chicken, tuna, stir fried vegetables. Hindi na siya umiinom ng bottled juices, softdrinks, at canned drinks. Kaya hindi kataka-taka nang kunin ng San Marino Corned Tuna (SMCT) si Joshua para maging endorser nila kasama nina Kris at Bimby. But this time, si Joshua ang bida sa commercial dahil bagay sa lifestyle at healthy diet nito ang corned tuna. Kinausap ni Kris si Bimby na si Joshua ang bida sa commercial at suportado naman niya ang kuya niya.
Nagpasalamat din si Kris sa dalawang coaches ni Joshua, sina Coach Chappy for his circuit training at si Coach Evans para sa swimming. Lagi rin silang kasama sa trip kaya palagay ang loob ni Kris. Ngayon, mula sa 46†waistline ay 36†na lamang ang waistline ni Joshua kaya naman bilang reward sa anak ay ipinag-shopping niya ito ng bagong wardrobe.
May nalaman din kami na very generous pala si Joshua at sinabi sa ina na out of his talent fee sa commercial, i-share rin ito sa kanyang driver, yaya, lahat ng members ng household, at sa dalawa niyang coaches. At tuwing nagta-travel sila abroad, mula sa allowance ni Joshua ay lagi siyang may pasalubong sa kanilang mga kasambahay.
Direk Dominic laging nakabantay para hindi maka-offend
Sinadya naming makausap si Direk Dominic Zapata sa taping ng My Husband’s Lover dahil maraming naghihintay sa kissing scene raw ng dalawang gays sa story, sina Eric (Dennis Trillo) at Vincent (Tom Rodriguez). Ayon kay Direk Dom, kung ia-allow ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay gagawin niya dahil kissing daw is an expression of love. Pero sumusunod sila kung ano ang tama. Lagi nga raw siyang nakabantay sa bawat eksenang ginagawa niya dahil baka may magawa siya na makaka-offend sa gay community.
Kaya thankful siya sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang pink serye. Nakakataba raw ng puso ang mga comment na nababasa niya sa Twitter here at sa abroad na may mga humihiling ng subtitles para maintindihan nila ang mga dialogue ng mga character.