Coaches ng The Voice nakalimutang magbihis

MANILA, Philippines - Napapansin na ng televiewers na sa tagal naman ng pakontes na Voice of the Philippines sa Channel 2 ay hindi na yata nagpapalit man lang ng bagong damit sina Lea Salonga, Bamboo, at apl.de.ap na mga Ingliserong rich at namamayagpag ang singing career?

Ibig bang sabihin nito hanggang matapos ang show ay iisa lang ang gagamitin nilang damit? Ang pangit tingnan!

Bakit ganun? Hindi naisip magpalit nang mag-taping.

Agot biktima ng pananampal ni Susan

Matagal-tagal na ring nag-aartista ang movie queen na si Susan Roces pero naipagtapat niyang ngayon lang siya nakapanampal sa set sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso ng ABS-CBN.

“Ayoko sa lahat ang makapanakit ng tao,” sabi ni Susan.

Subalit hindi nakatanggi ang bete­ranang aktres dahil kailangan sa istoryang idinirek nina Nuel Naval at Manny Palo. Biktima niya, ’ika nga, si Agot Isidro.

Okay lang naman din ito kay Agot dahil napakaganda ng kanyang papel at imagine raw, isang respetadong Susan ang sasampal sa kanya.

Gov. Vilma ipinagdarasal ng mga extra

Kuwento ni Gov. Vilma Santos, kung kalian papalapit na ang indie film niyang Ekstra ay lalo siyang kabado at hindi na mapalagay. Ipapalabas na kasi ito sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong buwan na.

Ngayon lang kasi sumubok si Vi ng ganitong sistema sa pelikula at hindi nila alam ang gagawin nung una. Sinusuportahan naman siya ng ma­lawakang pagdarasal ng mga ekstrang binigyan niya ng halaga sa pelikula.
                                                                                        

Show comments