Overwhelmed sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez at napaka-humbling experience sa kanila ang napakainit na pagtanggap sa kanila sa first mall show nila para magpasalamat sa success ng pink serye nilang My Husband’s Lover dahil hindi nila ini-expect na ganoon sila pagkakaguluhan ng mga tao, babae, lalaki, gay, matatanda, at kahit mga bata.
Sa pagbisita namin sa taping nila, hiningi namin ang opinion ni Dennis na gustong patigilin ng CaÂtholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang show. NireÂrespeto nila ang opinion ng CBCP at naniniwala siyang ipinaaalaala lamang nila sa kanila na malaki ang responsibilidad nila sa viewing public. Kaya naman ang head writer nilang si Suzette Doctolero, si Direk Dominic Zapata, at ang production staff ay sinisigurong disente at wala silang ipakikita na malaswa.
Maraming naghihintay kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Tom, payag ba siya? Okay lamang sa kanya dahil nagawa na niya iyon sa Aishete Imasu. Pero para sa kanya hindi na kailangang merong ganoong eksena dahil may kilig moments din naman sina Vincent at Eric. Naging ugali na niyang panoorin ang sarili sa video kung hindi siya nakapanood dahil may taping. Doon niya nakikita kung may mali siyang ginawa sa eksena para maikorek niya sa susunod nilang taping.
Inamin ni Dennis na nakakapagod ding gumanap ng isang bading dahil pag-aaralan ang character at iisipin din kung paano magri-react ang mga manonood. Biro pa niya, 3:00 a.m. na raw ang kayakap pa niya sa eksena ay isang bading.
Nami-miss na rin ba niya na wala siyang girlfriend ngayon? Sagot niya, hindi naman, dahil nakaka-focus siya sa work niya. Pero may idini-date rin naman siya paminsan-minsan, non showbiz.
Kaya ba niyang makipagrelasyon sa gay? Babae pa rin ang gusto niya pero marami siyang friends na gay. Kung bibigyan siya ulit ng isa pang gay role pahinga muna siya pero with My Husband’s Lover, mas lumawak ang pagkakilala niya sa mga gay, mas naiintindihan niya sila. Pero natutuwa siya na sa bumubuo ng cast walang totoong bading sa kanila at very commendable nga ang acting ng mga kasama niya, from Tom to Kevin Santos, Victor Basa at ang gumaganap niyang ama sa story, si Roi Vinson. Ayaw i-preempt ni Dennis ang story nila, tumawa lamang siya sa tanong kung kailan ba mabubuko ni Lally (Carla Abellana) sina Vincent at Eric.