Halikan nina Richard at Marian, kaselos-selos!

MANILA, Philippines - Kaselos-selos ang ilang beses na halikan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa My Lady Boss, huh! Hindi lang kasi simpleng halikan ito dahil may mga instances pang bukambuka ang kanilang mga labi, huh!

Eh, kung hindi maaapektuhan si Dingdong Dantes sa mga eksenang ‘yon nina Chard at Yan Yan, malamang, si Sarah Lahabti ang magselos lalo na nga’t hindi pa ganoon katagal ang relasyon nila ni Chard, huh!

Pinagsamang kilig at tawa kasi ang hatid ng MLB. Ang galing-galing nina Chard at Yan Yan sa pagpapatawa. Pero sa eksenang kakilig-kilig, kapani-paniwalang nagkakagustuhan silang talaga!

Pero sa eksenang nagchorvahan na sila, damang-dama ang init sa kanila sa eksenang ‘yon! Napalitan nga lang agad ng tawanan dahil back to normal sila sa relasyong superior-subordinate!

Tama ang Cinema Evaluation Board sa pagsasabing mas malakas ang chemistry nina Chard at Yan Yan sa muli nilang pagtatambal. Nailabas din talaga ni Direk Jade Castro ang chemistry at electricity na ‘yon kaya todo ang palakpakan at hiyawan ng mga tao sa romansahan nina Marian at Richard sa MLB!

Eugene jackpot sa mga nakakahalikan

Jackpot palagi si Eugene Domingo sa kanyang mga leading men sa bawat pelikulang gawin. Sa indie movie niyang Instant Mommy, isang guwapong foreigner ang makakalandian niya! Then, sa Skylight Films niyang Tuhog, aba, si Jake Cuenca naman ang ‘tinikman’ niya, huh!

Pagdating nga lang sa game show niya sa GMA na Celebrity Bluff, wala siyang choice kundi makipaglandian kay Jose Manalo, huh! Pero kapag dini-dare siya ni Jose na subukan siya, tumatakbo na siya!

Naku, tiyak na riot ang isang project kung magkakaroon ng torrid kissing scenes sina Uge at Jose, huh! Pero baka tanggihan ni Eugene si Jose lalo na nga’t may mga guwapong aktor na hindi tumatanggi sa eksenang hahalikan ang komedyana kung saan ang latest niyang ‘biktima’ ay si Jake, huh!

Juday regular na sa Bulaga

Live na ngayong araw na ito ang Eat Bulaga matapos ang apat na araw na pamamalagi nila sa Tokyo, Japan kaugnay ng imbitasyong na mag-show roon last Sunday.

Hindi nga nakasama si Ryzza Mae Dizon dahil maraming requirements na kailangan bago siya mabigyan ng visa ng Japanese embassy. Nagbigay naman ng bond ang producer para sa kaso ni Jose kaya nakasama siya ng Dabarkads.

Ang sorpresa sa show ay ang presence ni Judy Ann Santos. Paboritong sumama ni Juday sa grupo ng Bulaga na sumama rin last year sa London show ng grupo. Of course, with her husband Ryan, lalong naging memorable ang biyahe sa Japan ng multi-awarded actress.

 

                                                                   

 

Show comments