Pagkatapos ng isang thanksgiving Holy Mass sa Batangas Provincial Auditorium, isinagawa na ang oath-taking ceremonies ni Gov. Rosa Vilma Santos-Recto sa Marble Terrace, Capitol Grounds. Her husband, Sen. Ralph Recto ang kanyang administering officer.
Si Gov. Vi naman ang nag-administer ng oath of office kina Vice Governor Mark Leviste, provincial board members, mayors and vice mayors, at pati municipal councilors ng bawat bayan ng Batangas.
Nakausap si Gov. Vi, with Sen. Recto and Vice Gov. Leviste, ng local at national press after lunch. Unang tinanong kay Ate Vi kung bakit wala ang mga anak na sina Luis at Ryan Christian. Nasa bakasyon daw si Luis at hindi na niya prinesyur na mag-attend. May classes naman si Ryan sa La Salle Greenhills at ayaw na niyang maistorbo ito. Sapat na raw sa kanya na naroon ang husband and mentor niyang si Sen. Ralph.
Itutuloy pa rin ni Gov. Vi ang kanyang HEARTS project sa Batangas. H stands for Health, E for Education and Environment, A for Agriculture dahil marami pa ring farmers sa Batangas, R for Road and Infrastructure na inuuna nila ang national road ng Batangas, T for Tourism and Technology na kailangan daw nila ng mga hotel sa province para mag-stay sa kanila ang mga turista, at S for Security and Social Services.
Ipinagpasalamat ni Gov. Vi ang suporta hindi lamang ng kanyang mga kasama sa SangÂguÂniang Bayan ng Batangas kundi ng mga constituent din niya na nakasama na niya sa siyam na taong pagiging mayor niya ng Lipa at ngayon sa third term niya bilang governor ng Batangas. Sa tanong kung magsi-seek na siya ng higher position sa 2016, wala pa siyang plano. Sa loob ng ilang terms na niya sa paglilingkod sa Batangas, tuwing darating daw lamang ang eleksiyon siya nagpaplano.
On a lighter side, inulit ni Gov. Vi ang pressure sa kanya ng coming indie film niyang Ekstra na trailer pa lamang sa YouTube ay ang dami nang viewers kaya nagpapasalamat siya sa kanyang producer and director at sa mga nag-guest na artista sa kanilang pelikula.
“Baby Marian†pala ang tawag niya kay MaÂrian Rivera na isa sa mga nag-guest. Kasama rin sina Piolo Pascual, Richard “Ser Chief†Yap, at Cherie Gil. Excited na raw siyang mag-attend ng premiere night ng Cinemalaya Independent Film Festival sa July 28 sa Cultural Center of the Philippines, Pasay City.
Sa tanong kung totoong nagsasama na si Luis at ang girlfriend na si Jennylyn Mercado sa iisang bahay, malalaman daw niya iyon kung totoo. Love niya si Jennylyn na nang mag-request daw itong mag-guest siya sa Sunday All Stars sa GMA 7 ngayong Linggo ay hindi siya tumanggi. Nag-sorry pa siya kay Jen dahil na-preempt ang surprise guesting niya.
Hindi na lamang namin itinanong kay Gov. Vi kung live o taped na ang guesting niya at kung ano ang gagawin niya sa Sunday show.