Marian pinataob si Sam sa paseksihan

Si Marian Rivera ang tinanghal na 2013 Sexiest Woman ng FHM at tinalo niya si Sam Pinto na pumangalawa lamang sa kanya ngayong taon.

Matatandaang dalawang magkasunod na taong nananalo si Sam bilang Sexiest Woman but this time ay tinalo na siya ni Marian sa online votes, text, and print ballots.

Samantala ang mga iba pang female star who made it to the Top 10 are Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Ellen Adarna, Anne Curtis, Jackie Rice, and Empress.

Natutuwa and thankful si Jennylyn na kahit may Jazz (her son) na siya, FHM voters still found her as one of the Top 5 most sexiest. Kaya naman nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng bumoto sa kanya.

Masaya rin ang manager ni Jen at Empress na si Becky Aguila na dalawa sa mga alaga niya ang pasok sa Top 10.

Matatandaang kamakailan lang ay pumayag si Empress sa kauna-unahang pagkakataon na maging cover girl ng FHM and because of this ay natuto siyang maging conscious sa kanyang weight and figure.

Kasalukuyang napapanood si Em sa Huwag ka Lang Mawawala bilang kapatid ni Sam Milby at ka-love team niya si Joseph Marco. May pelikula rin siyang malapit nang ipalabas with Enchong Dee, ang Tuhog.

Back to Jennylyn naman, nakakatuwa na ang Wagas episode niya ng QTV 11 na ipinalabas last Saturday kung saan kapareha niya si Ramon Bautista ang siyang highest rating ng nasabing programa.

Maganda ang feedback sa tandem nina Jen at Ramon at bagay daw pagsamahin ang dalawa sa isang light romantic comedy film.

Julia isinabak sa child stars na sina Zaijian at Xyriel

Mapapanood na ngayong Sabado (Hunyo 29) ang Wansapanataym Presents Petrang Paminta na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat kasama ang isa sa most promising stars ng kanilang henerasyon na si Julia Barretto.

TV remake ng nobela ni Pablo Gomez, ang Wansapanataym Presents Petrang Paminta ay sa ilalim ng direksiyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas.

Eula pinagtitiyagaang matapos ang home study program

Gustung- gusto nang makatapos ni Eula Caballero ng high school. Nasa 4th year na siya ngayon sa home study ng Angelicum at aminado siyang hirap na hirap siya.

“Kahit sa bahay lang ginagawa ang modules, ang hirap-hirap talaga, at saka after ng taping pagod na rin ako kaya nahihirapan talaga ako,” say ng young actress.

Pero kahit mahirap pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral, sabi ni Eula ay talagang titiyagain niyang matapos ito at pagkatapos ay itutuloy niya sa kolehiyo.

Alam niya ang kahalagahan ng edukasyon at kung sakaling dumating ang time na hindi na siya artista at least ay may fallback siya.

 

 

Show comments