Hanggang ngayon, umaasa si Marian Rivera tuluyan na silang magkakaayos ni Mother Lily Monteverde. Sinabi ng aktres na hindi lang sila nagkaunawaan sa sinabing movie offer with Judy Ann Santos na tinanggihan niya.
Sana nga bago ipalabas ang My Lady Boss sa July 3 ay magkabati na sila upang magdala ng good luck sa box office. Kung may awayan o hindi pagkakaunawaan sa isang pelikula, baka lumayo ang suwerte kapag showing na ito.
Kung talagang gusto ni Marian ng isang solo movie, may naisip kaming maaaring i-revive for her — ang hit comedy na Kurdapya na bida si Gloria Romero.
Maganda ang Kurdapya kung gagawing comedy/fantasy na kagigiliwan pati ng mga tsikiting. Isa ito sa mga biggest hit ng movie queen sa Sampaguita Pictures na tiyak na madaling makuha ang movie rights.
Meanwhile, ipagdasal natin lahat na maging blockbuster ang My Lady Boss para maging very happy na si Mother Lily.
Dalawang macho actor naging magkasalo sa mayamang bakla
Magkasama sa isang teleserye ang dalawang macho actor. Nagtataka ang kanilang mga kasama sa show na hindi man lang nagkikibuan ang mga pogi. Kahit nga sabay sila sa isang tagpo, kahit casual na batian ay hindi magawa.
Inalam tuloy ng mga tsismosa kung naging magkaribal ang dalawa sa isang chick. That never happened, say ng mga nakakakilala sa kanila.
Ang tunay na dahilan pala, alam nilang pareho silang lover ng isang very rich gay. Nagkasabay na silang minsan sa bed ng baklesh. Nang makita ng isang hunk na nandoon ang kanyang kasama sa network, umalis na lang siya nang walang paalam.
Talagang ubod ng haba ng buhok ng ating amigang donya. Nagkakasabay ang mga poging lover at lalo tuloy gumaganda!
Direk Brillante kauna-unahang Pinoy knight sa France
Congratulations kay Director Brillante Mendoza for being the first Pinoy filmmaker to be knighted by the French Ministry of Culture! He was awarded the Chevalier dans l’ Ordre des Arts et des Lettres by the French government.
Si Direk Dante Mendoza ay isa ngayong Knight in the Order of Arts and Letters ng France tulad ng mga bantog na worldwide film personalities na sina George Clooney, Jude Law, Tim Burton, ang ballet master na si Rudolf Nureyev, at singer na si Shakira.
Masayang tinanggap ni Mendoza ang karangalan na siya ang unang Pinoy na nakatanggap.
Slapshock maglalabas ng international album sa USA
They were barely on their teens when the hard rock band became famous in the country as Slapshock. Matagal na sila sa music scene at meron ng pitong multi-platinum albums.
Hindi kami nagulat nang ibalitang may international album sa Los Angeles, California to be produced by a foreign company and to be distributed in the USA and other parts of the globe.
They are more mature today and so is their own brand of music. Tiyak na they will make it big in the international music scene.
Joseph Bitangcol ipinagtatanggol ng ina sa bintang na lulong sa droga
Sa ngayon hindi na namin gaanong matandaan ang hitsura ni Joseph Bitangcol. Alam namin na dati siyang teen star at na-link pa minsan kay Sandara Park.
Iba’t ibang kuwento ang lumalabas kay Joseph at may mga bintang na nasa bisyo siya ng bawal na gamot. Ang lumabas sa mga TV talk show ay ang kanyang mother na sinasabing hindi totoo ang mga paninira sa kanyang anak. Sana nga mali ang mga balita. Nakahahabag kasi ang mga grabeng kuwento tungkol sa kanya.
Pauleen puwede pang ligawan ng iba
Pinagpilitan ni Pauleen Luna na she is still single. Ang tsismis kasi, noong nagpasyal sila sa Macau ni Vic Sotto, doon sila nagpakasal.
Ibig sabihin, puwede pang ligawan ng ibang eligible bachelor si Pauleen. Ipinakita niya ang kanyang mga daliri na walang nakasuot na wedding or engagement ring.
Maraming mga relasyon na saka pa lang inamin sa media nang magkahiwalay na ang magka-partner. Sa arrangement nina Bossing at Pauleen, hindi naman nila itinatago ang special attachment. Kaya lang hindi sila maaaring biglang magpakasal na hindi alam ng mga anak ng TV host/actor/producer.
Well, tanungin natin si Oyo Boy o si Danica.