KC ayaw patalbog sa kanyang Ate Juday

MANILA, Philippines - Sa teleseryeng  Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN ay kitang-kita na ayaw magpatalo ni KC Concepcion  lalo na sa mga eksena nila ng Young Superstar na si Judy Ann Santos. Aminado si KC na kinakabahan siya every time na maghaharap sila ni Juday lalo na ang ‘sampalan scene’ nila na maitutu­ring niyang memorable talaga sa kanya.

 â€œWe did an intense scene where I literally saw stars after Ate Juday slapped me. That’s when I saw and realized how dedicated and committed Ate Juday is to her craft,” papuri pa ni KC sa aktres.

First time nga raw siyang masampal sa buong buhay niya.

 â€œParang wala naman akong maalala. Si Ate Juday lang ang star ng buhay ko pagdating sa sampalan,” sambit pa nito.

Sobra raw ang paghanga niya kay Juday bilang aktres. Marami rin daw siyang natututunan dito.

 â€œTinuturuan niya kami sometimes kapag nasa eksena. And kapag na­nampal siya ng ganoon kasakit at ganoon kalakas, talagang mari-realize mo na totoo ito, this is the real thing. This is somebody na seasoned actress na napakarami ng teleseryeng ginawa, napakarami na ring artistang nasampal. So it’s an honor to be slapped by Ms. Judy Ann. Parang baptism of fire ko na yun siguro. Konti lang makakapagsabi nun so I’m proud,” pag-amin pa ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta.

Maging ang ina raw niya ay very supportive sa first kontrabida role niya.

 â€œNakaka-text niya sina Tito Biboy (Arboleda) at si Ate Juday, sabi niya, ‘O bahala na lang kayo diyan ha.’ Ganun. Parang natutuwa naman siya na iba yung ipinapakita ko rito. Kasi never din niya ginawa yung ganitong role,” paliwanag pa nito.

Show comments