AIAI walang alam sa ipinalit ng asawa

Inamin ni AiAi de las Alas na hindi PSG o member ng Presidential Security Group ang kinuha niyang maging bodyguard sa tulong ng kaibigang Kris Aquino. Mula sila sa Philippine National Police (PNP) kung saan ang dalawa ay para sa kanya at ang dalawa pa ay sa kanyang anak na si Sancho.

Samantala, unti-unti nang naghihilom ang kanyang sugat, ayon sa komedyana, dala ng paghihiwalay nila ni Jed Salang pero may pagkakataon na umiiyak pa rin siya sa gabi.

Hindi raw kilala ni AiAi ang bagong girlfriend ng estranged husband at ’di na siya apektado sa bagong pag-ibig ni Jed.

World War Z pinakamalaking box-office record ni Brad Pitt

Rumatsada sa takilya ang World War Z tampok si Brad Pitt. Kumita ito sa unang linggo ng P88 million sa gross sales. Pagpapatunay lang na ito ang pinakamalaking box-office record ng Hollywood actor na nagpakita ng lakas sa takilya sa unang weekend nang higit pa sa 125% laban sa Mr. & Mrs. Smith at higit pa sa 195% vs. Troy.

Ang outstanding performance ng mga cinema ranking base sa lingguhang box office ay ang mga sumusunod: Mall of Asia - P3,800,000; Trinoma - P3,800,000; SM North - P3,500,000; Newport - P3,200,000; SM Megamall - P2,900,000; Glorietta 4 - P2,800,000; Greenbelt 3 - P2,600,000; Alabang Town Center - P2,400,000; Powerplant - P2,300,000; at Eastwood - P2,100,000.

Palabas pa rin ang World War Z  mula sa United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

Ryzza Mae suwerte kay Bossing Vic

Naging maamo ang kapalaran kay Ryzza Mae Dizon. Malaking tulong sa kanya si Vic Sotto para maabot ang kanyang pangarap sa buhay. Mabait namang bata at magalang pa ang child actress kaya napalapit at napamahal kay Bossing.

Show comments