Ibang bahagi ng katawan ni Jolina nag-iba ang hitsura

Malakas ang kutob ko na preggy na si Jolina Magdangal sa panganay nila ng kanyang mister na si Mark Escueta.

Nagpahinga muna si Jolina sa lahat ng mga show niya sa GMA 7. Hindi naman siya magpapahinga kung hindi importanteng-importante ang dahilan.

Saka naalaala ko ang sinabi ni Papa Joey de Leon nang mag-guest noon si Jolina para i-promote ang Startalk. Ang sabi ni Papa Joey, malapit nang mabuntis si Jolina dahil may isang part ng kanyang katawan na nagbabago ang hugis. Ganoon daw ang nangyari sa kanyang misis na si Eileen Macapagal nang magbuntis ito sa kanilang mga anak.

Natuwa si Jolina sa obserbasyon ni Papa Joey. Magdilang-anghel daw sana si Papa Joey dahil excited na sila ng kanyang asawa na magkaroon ng anak.

Alden obligadong mag-ala-Robin

Kasali si Jolina Magdangal sa cast ng Mundo Mo’y Akin. Ikinuwento ni Alden Richards na magbabakasyon nga si Jolina pero tatapusin nito ang mga eksena niya sa Mundo Mo’y Akin. Hindi puwedeng basta mawala ang karakter ni Jolina dahil importante ito sa kuwento ng soap opera ng GMA 7 na malapit nang mag-goodbye sa ere.

Samantala, young Robin Padilla ang role ni Alden sa 10,000 Hours, ang Metro Manila Film Festival entry ni Ro­bin.

Obligado si Alden na pag-aralan ang mga kilos at pana­nalita ni Robin para maging kapani-paniwala ang kanyang pagganap.

Excited na si Alden sa nalalapit na pagsisimula ng shooting ng 10,000 Hours dahil bongga ang kanyang role at maganda ang project. First time na gagawa siya ng pelikula na kasama si Robin. Hindi nagpang-abot ang dalawa noong Kapuso star pa si Robin.

Show comments