Magna-no. 1 sa MMFF inaabangan na agad

Malalaman ngayong Disyembre sa taunang pagtatanghal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kung sino at anong pelikula ang maghahari sa takilya.

Inihayag na ni Atty. Francis Tolentino, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) head at overall chairman din ng MMFF committee ang napiling walong entries mula sa 15 entries na isinumite na kinabibilangan.

Maglalaban sa takilya sina Sen. Bong, Vic, at Robin gayundin sina Kris at Vice Ganda. Aling pelikula kaya ang magna-number one bilang box-office hit ngayong darating na MMFF?

Bimby paduduguin ang ilong ni Ryzza Mae

Bukod kina Vic Sotto at Kris Aquino na tampok sa pelikula Torky and My Little Bossing, kasama rin nila sina Ryzza Mae Dizon at Bimby.

Excited na si Kris sa pag-aartista ng anak at tinanong ang anak kung talaga bang gustong pumasok sa pag-aartista. Excited na rin ang guwapong bagets na mag-showbiz at okay lang na makasama niya si Ryzza Mae.

Hindi kaya magdugo ang ilong ni Ryzza Mae sa pagiging Inglesero ni Bimby?

Show comments