Ngayon wala nang hulaan, sigurado na. Ang inÂdie actor na si Marco Morales ang sinasabing puÂmaÂpasok sa mga motel, hindi nagbabayad at nagnaÂnaÂkaw pa ng TV set. Nahuli na siya ng Makati Police at inamin niyang siya nga rin ang nakunan ng CCTV sa isang motel sa Pasay pero hindi siya iyong Marco Gonzaga Saca na nakaiwan ng lisensiya. Iginiit niyang ang pangalan niya ay Marco Morales.
Kakasuhan siya ng estafa, pagnanakaw, at resisÂting arrest. Nagtangka pa rin siyang tumakas nang aarestuhin na siya ng mga pulis pero naging mabilis daw kasi ang motel staff at nakatawag na agad ng pulis pagpasok pa lang sa kanila ni Marco.
Bakit nga kaya nagkaganyan si Marco Morales? Saan na napunta ang kinita niya noon sa kanyang mga pelikula? Hindi na ba siya maikuha ng trabaho ng manager niya para hindi siya gumagawa ng ganyan? Nasaan na ang mga nagpasasa sa malaking kita niya noong kasagsagan ng kanyang career? Bakit hindi siya matulungan ngayon?
Actually, may hitsura ang batang iyan at marunong namang umarte. Nakakakanta pa. Ang mali nga lang kinumbinsi siyang maghubad sa mga pelikulang indie para sumikat agad at pakinabangan ng mga gustong kumita rin ng malaki. Ngayon ano na ang nangyari?
Ang career ng mga artistang naghuhubad ay short lived lamang. Basta naghubad na, the end na. Ewan kung bakit nga ba maraming nakukumbinsi ang mga direktor na bakla na mga lalaki para magÂhubad sa kanilang mga pelikula.
Ewan din kung bakit nakukumbinsi nila maÂging ang mga lehitimong talent na maghubad na rin ngayon kahit na sa TV shows lamang na kunwari ay reality shows pero ang totoo ay hubaran lang pala.
Jacob ng Twilight nagsusuot ng gawang Pinoy
Sa totoo lang, nabigla kami nang makita namin ang sinasabi palang bagong international endorser ng Bench ay si Taylor Lautner. Yes, si Jacob Black ng Twilight. Sino nga ba ang mag-iisip na ang isang Hollywood actor na ganyan kasikat ay makukuha bilang endorser ng isang Philippine-based garment company? Actually, ganyan lang naman ang ginawa ng ibang brands. Kumuha sila ng international moÂdels, napasok nila ang international market hanggang sa dumating ang panahon na kinikilala na sila sa buong mundo.
Kung iisipin, ano ba ang kaibahan ng Bench sa ArÂmani halimbawa? Wala. Pero bakit kailangang magtapon tayo ng pera para lang bumili ng ganoong damit? Kasi sikat. Kasi nag-a-advertise. Kasi nakakapasok sila sa buong mundo dahil sa mga international endorser.
Siguro nga masasabi natin na kawawa naman ang mga local star natin, o ang mga local model natin, dahil naagawan sila ng trabaho ng mga international model, pero iyon naman ay nangangahulugan na mapapasok ng mga nasa manufacturing business ang international market. Ngayong isusuot ni Lautner ang mga damit ng Bench, huwag ninyong sabihin na hindi ’yan mabibili sa US.
Sikat na sikat ngayon si Lautner. Maski ang internaÂtional magazines na GQ, Rolling Stone, at People ay nagsabing siya ay isang “teen matinee idol†at “teen sex symbolâ€. Sinasabi pa nilang ang maÂgandang katawan ng young actor ang siyang dahiÂlan kung bakit pinagkaguluhan at naging isang hit ang peÂlikula nilang New Moon na bahagi ng TwiÂlight saga. Hindi nga masasabing siya talaga ang bida sa Twilight, pero sa US, sinasabing mas malakas pa ang following ni Taylor Lautner kesa sa iba niyang co-stars.
Ngayon marami ang nagugulat kasi basta nadaÂdaÂanan nila ang malalaking billboards sa EDSA, ni hindi sila makapaniwala na si Taylor Lautner ang nag-e-endorse ng Bench. Kasabay niyan, tatayo rin ang billboards ni Lautner na nag-e-endorse ng Bench sa maraming bansa at makikita na rin ang maÂlalaki niyang posters sa mga Bench store maging sa ibang bansa.
Masasabi sigurong nalusutan na naman ang mga local artist natin pero malaking bagay iyan para sa isang Filipino brand. At saka ang mga artista natin at models ng Bench, masasabi nila ngayong kahanay na nila si Taylor Lautner. Bumilib kami talaga. Kung sabagay, noong una pa man na kinuha nila si RiÂchard Gomez ay nakakabilib na ang kanilang marÂketing strategy. Noong araw, hindi kumukuha ng malalaking artista para sa advertisement ng local garÂments.
Kaya naisip din namin, hindi kaya isang araw ay gulatin na naman tayo ni Ben Chan at sabihing nakuha na rin nila si Henry Cavill bilang endorser?