MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng QC Prosecutor’s Office sa mataas na korte ang TV host/komedyante na si Willie Revillame ng child abuse dahil sa pagpapasayaw nito sa anim na taong gulang na bata habang umiiyak saka binigyan ng P10,000 sa binuwag na TV show na Willing Willie noong March 12, 2011.
Ang kasong ito ay na-raffle na sa QC Metropolitan Court, Branch 86.
Ayon kay Assistant City Prosecutor Benjamin Samson, nakakita sila ng probable cause para kasuhan si Revillame hinggil sa paglabag sa Section 10 (a) ng Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Law.
Ang kaso ay isinampa kay Revillame ng Department of Social Welfare and Development.
Dinismis naman ng prosecutors office ang kahalintulad na kaso na naisampa kay Revillame at mga opisyal ng TV5 ni running priest Fr. Robert Reyes dahil sa kakulangan ng legal personality.