MANILA, Philippines - Sino ba itong young starlet na napagkamalang bakla sa isang Santacruzan sa probinsiya? Sa sobrang puti at kapal ng makeup, hindi tuloy nakilala ng hermana mayora na nag-imbita. Laking takot tuloy ng talent manager dahil muntik hindi sila mabayaran.
Sa susunod kasi please be yourself na lang. Huwag na ring magpatangos ng ilong, kung talagang pango, kasi hindi ka talaga nila makikilala.
Fans apektado sa pagba-babu ni Willie
When God closes a door, He opens a window. More or less, ganito ang paniniwala ng mga panatikong tagahanga ni Willie Revillame. Bigla-bigla kasing nagsulputan ang balitang panglalaglag sa kanilang idol dahil hanggang October 15 na lang ang kanyang programang Wowowillie.
Inaamin naman ni Willie na gusto muna niyang magpahinga. Mabuti nga at naaaliw siya kapag mga bata ang contestant. Nawawala ang kanyang mga problema sa kakatawa.
Ang mga tagahanga ang pinaka-maaapektuhan kapag nawala na programa ni Willie.
Aimee pabalik-balik sa Mindanao
Dahil sa awiting Pusong Bato, kung saan-saang lupalop ng Pilipinas nakakarating ang original singer ng kanta na si Aimee Torres. Grabe ang paghanga ng mga tao sa kanyang pinasikat na awitin. Pabalik-balik nga siya sa Mindanao dahil sa mga invitation ng mga nagpapa-fiesta roon.
Nakilala ng husto si Aimee kasi maging sina Charice, Martin Nievera, Regine Velasquez ay napapakanta ng Pusong Bato.
May isusunod daw na bago si Aimee. Pusong Mamon naman kaya? Joke lang po.