Christopher ready na sa kasal ng anak, pagkatalo hindi dinamdam

Tapos na ang eleksiyon kaya puwede ko nang banggitin ang name ni Christopher de Leon bilang father of the groom.

Ikakasal sa darating na Linggo si Rafael, ang panganay na anak nina Boyet at Sandy Andolong. Red ang motiff ng church wedding ni Rafael at ng kanyang bride-to-be na si Aerika.

Tulad ni Shalani, tanggap na tang­gap ni Boyet ang nangyari sa kanyang congressional bid sa pro­binsiya ng Batangas. At least, very lucky si Boyet dahil nawalan man ito ng political career ay may showbiz career siya na babalikan. Hindi siya kagaya ng ibang mga artista na pumasok sa pulitika dahil hindi na in demand sa showbiz.

Nakita ko na ang picture ng red gown na gagamitin ni Sandy sa kasal nina Rafael at Aerika. Ma­ganda ang red gown na creation ni Fanny Serrano. Si Mama Fanny din ang designer ng bonggang wedding gown ng daughter-in-law nina Boyet at Sandy.

Hindi ko puwedeng ila­gay dito ang litrato ng wedding gown para hindi mawala ang surprise ’no?!

Pamilya Henares nasa front raw ng programa ni Ellen

Magkakasamang pi­na­nood nina Dr. Vicki Belo, Atom Henares at ng kanilang mga anak na sina Quark at Cristalle ang show ni Ellen DeGeneres as in live show dahil nagpunta sila sa studio ng Ellen.
Imposibleng hindi makita sa TV ang happy family nina Mama Vicki at Papa Atom dahil naka­puwesto sila sa front row seats.

Si Will Smith ang guest ni Ellen nang ma­nood ang Henares family. Kailan kaya ang guesting sa Ellen ng bagong YouTube sensation na si Aldrich Talon­ding na inim­bitahan ni Ellen na lumipad sa Amerika at kumanta ng live sa kanyang programa?

Kalaban ni Alfred nabusalan

Tameme at supalpal ang detractor ni congressman-elect Alfred Vargas na nagkalat ng tsismis na disqualified siya sa congressional race sa 5th District ng Quezon City.

Parang binusalan ang bibig ng mapa­nirang tao dahil winner si Alfred. Ngayon kaya i-try ng mapanirang tao na magpa-im­pren­ta ng mga kopya ng diyar­yo na nagsasabi na disqualified si Alfred? Pati ang newspaper na gi­namit niya, na-Luz Valdez ang kredibilidad!

Shalani mahaharap na ang pagiging misis

Maganda ang attitude ni Sha­lani Sole­dad-Romulo nang matalo siya sa congressional race sa Valenzuela City.

Nag-concede agad si Shalani at ti­­nanggap niya nang maluwag sa dibdib ang re­sulta ng kanyang candi­dacy. Hindi siya nag-emote na may naganap na dayaan or whatever. Nag­pasalamat siya sa lahat ng mga su­muporta sa kandidatura niya.

Puwede nang mag-concentrate si Shalani bilang Mrs. Roman Romulo. It’s about time na magkaroon na sila ng anak ng kanyang asawa na muli namang na-elect bilang congressman ng Pasig City.

Show comments