Guess daw at why several of the colleagues ng ’di pa naman napaka-senior na artistang ito ay ina-avoid na makasama siya sa isang makeup room, kung sa studio lang ang shoot, o sa tent naman kung outdoor ang taping.
Duda raw kasi ng mga kasamahan ng aktres ay may pagka-klepto ito. Kung anu-ano raw kasing mga gamit nila, na kung minsan ay wala namang halaga, ang biglang na lamang nawawala.
The next time na makita nila ang aktres, gamit na gamit na ang things nila na nawala.
Minsan naman daw ay nagulat ang makeup artist assigned to the actress nang hingin nito ang ilang pang-makeup na ginagamit nila.
Eh as far as they know ’di man daw naghihirap ang aktres dahil ’di naman ito nawawalan ng assignments.
Dawn bitbit ang dalawang anak sa trabaho
Magiging aktibo raw lalo si Dawn Zulueta ’di lang sa TV kung hindi sa pelikula rin once the election is over.
As a replacement to a soap na ABS-CBN obviously assigned kay Maricel Soriano, nag-excuse muna si Dawn from her taping for the project which, incidentally, also stars Gerald Anderson, dahil naging busy siya helping husband Anton Lagmadeo run for his last term as congressman ng Davao del Norte.
Nagpapasalamat nga pala si Dawn sa asawang si Anton dahil pinapayagan siya muling magtrabaho.
In the case of her two children, Jacobo and Ayeisha, they are no longer a problem daw since of school age na pareho ito kaya may kanya-kanyang activities.
On days na wala naman daw itong schooling ay dinadala niya sa kanyang trabaho para makita nila na busy ang kanilang mommy.
Papayagan ba niya ang mga anak na mag-artista rin kapag ginusto ng mga ito?
‘‘I’ve not thought about that,’’ sagot ni Dawn. ‘‘At least, ’di nila binabanggit sa akin na gusto rin nilang umarte sa harap ng kamera.â€
Nora may trabaho pa sa TV5
Who says na dahil tapos na ang series ng TV5 na Never Say Goodbye ay mamaalam na ring muli si Nora Aunor sa showbiz?
Far from it, as Guy is now doing an indie movie, Ang Kuwento ni Mabuti, a project of TV5 CineFilipino.
A festival of films, mapapanood din sa Cine Filipino ang entry ni Ato Bautista, Mga Alaala ng Tag-ulan, starring TV5 discovery (ng reality show na Artista Academy) Akihiro Blanco kasama si Mon Confiado.
Talking nga pala of Guy’s Never Say Goodbye, na-resolve kaya ang napapabalitang matinding away nina Alice Dixson at Rita Avila habang ginagawa nila ang series?
Naging usap-usapan ang nabanggit na away dahil ’di naman tipo ng mga artista sina Alice at Rita na napapa-trouble sa kanilang mga co-star.
Kung sabagay, may kasabihang there’s always a first time.