MANILA, Philippines - Bumilib si Congressman Sonny Angara sa work ethics ni Coco Martin. Nang imbitahan niya ang aktor sa gagawing paglilibot sa Visayas, after ng taping ng alas-kuwatro ng madaling-araw, diretso siya sa airport upang tuparin ang pangako sa tumatakbong senador.
“Tumaas ang admiration at respeto ko sa kanya (Coco). Pati na ‘yung kasamahan niya sa showbiz dahil sa hirap ng kanilang trabaho,†pahayag ni Cong. Sonny na isa sa victorious senatoriable babies ni Mother Lily.
Kapansin-pansin sa damit na suot ni Rep. Sonny ang camisa de chino. MagkapareÂho sila ng get up ni Coco na gaÂnoon din ang damit sa fantaÂserye niyang Juan de la Cruz.
“Hindi naman. Ha! Ha! Ha! Nagkataon lang na very comfortable at preskung-presko itong suot ko! Sabi ng iba, bagay. Naiiba naman sa mga nasusuot ko! ‘Yung iba naka-polo shirt. In a way, nag-stand out din tayo because of this,†rason niya.
Masasabi ba niyang siya ang magiging Juan de la Cruz sa senado?
“Sinabi ko ‘yon sa ibang debate. Tinanong ako kung sino ang super hero na…Tapos, naisip ko lang, para maiba, local. Juan de la Cruz! Kasi papatayin ko ang aswang ng lipunan!
“Nu’ng sinabi ko ‘yon, I was not referring to any…Wala naman akong tinutukoy na pulitiko. Tao lang. Ang tinutukoy ko roon, ‘yung metaphorical…’Yung kahirapan, ‘yung katiwalian sa gobyerno. ‘Yung kakulangan ng oportunidad ng edukasyon!†dagdag pa ni Rep. Sonny.
Michelle ginagawa ang lahat para mapuri
Walang nadaramang insecurity si Michelle Madrigal kung pumapantay na ang role sa kanya ni Bela Padilla sa Love & Lies. Ayon sa aktres nang aming makausap, lagi siyang grateful sa bawat trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA7.
“Ang ginagawa ko lang talaga, ibinibigay ko ang best ko talaga! ‘Yung mapansin nila ang perforÂmance ko.
“Sa akin, hindi ‘yung sa billing…Kunwari siya ang bida. Pero kung hindi naman maganda ang performance mo, kung hindi mo gagaliÂngan, para sa akin, bale wala lang din. Mas importante sa akin na mapansin ng GMA ang perforÂmance ko bilang artista nila ako kesa ‘yung, ‘Ay leading lady ka na!’
“Kasi nabibigyan ko ng justice ang bawat role na biÂniÂbigay sa akin and pag nakikita nila ako, ‘Hoy, congratuÂlaÂtions! Ang galing mo!’ Masaya na ako roon,†paliwanag ni Michelle.
Kung may mga balitang mag-aalisan na ang ilang artista ng GMA gaya ni Marian Rivera, ano naman ang masasabi niya?
“Nanghihinayang ako kung totoo ‘yon. Kasi isa si Marian sa pinakamagaling na artista ng GMA. Sana hindi kasi gusto ko pa siyang makatrabaho,†saad ng aktres.
Paano kung gusto siyang ilipat ng manager niyang si Tita Annabelle Rama sa ibang network? “Bakit? Ha! Ha! Ha! Ako, hindi ko muna iniisip ‘yon. Matagal na ‘yon. November, December pa! Siguro, ako, masaya naman ako rito eh. ‘Yung lilipat, hindi ko iniisip ‘yon.
“Walang reason for me to leave!†diin ni Michelle.