Louise enjoy sa ka-triangle

It’s not true na nagkabalikan na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda after nilang mag-break two months ago. 

Two years din ang itinagal ng relasyon nila pero friends na lamang sila talaga ngayon, nagti-text or nagbabatian na lang sila kapag nagkikita sa Party Pilipinas. Pero inamin ni Louise na hindi madaling makalimutan ang boyfriend dahil halos araw-araw noon ay lagi silang magkasama. Busy schedule ang dahilan ng breakup plus parehong magkaiba ang kanilang ka-love team. Kaya no more relationship muna, mas naka-focus na lamang si Louise sa role niya bilang ang pangit na si Marilyn sa Mundo Mo’y Akin. 

Maganda rin ang relasyon nilang tatlo nina Alden Richards at Lauren Young dahil kung usually ang love triangle ay dalawang lalaki at isang babae, sila ni Lauren ang ka-love triangle ni Alden. Personally, wala silang away na tatlo, sa mga eksena lamang sa Mundo Mo’y Akin dahil lalabas na ang pagkakontrabida ng character ni Lauren as Darlene. 

Arnel Pineda nabuhay sa pagbebenta ng pagkain nang matauhan sa masamang bisyo

Napaka-generous pala talaga ng Puregold. Akala namin basta ex-deal lamang nila sa Eat Bulaga ang pamimigay nila monthly ng kotse, P1 million, P 500,000, at napakaraming grocery sa mga nabubunot na entries mula sa mga tumatangkilik sa kanila. Isama pa rito ang araw-araw na cash and groceries na ibinibigay nila sa contestants sa Juan for All, All for Juan nina Jose Manalo at Wally Bayola. 

Isinabay na nila ang launch ng bagong jingle na ni-record ng international rock star na si Arnel Pineda, ang Tenkyu Po na inawit ng personal ni Arnel sa launch. Ang Tindahan ni Aling Puring ay nagbibigay ng tulong sa mga primary customer nila na gustong magkaroon ng sarili nilang sari-sari store, karinderya, bulk buyers, and wholesalers. Tumutulong sila mula sa paggawa ng tindahan hanggang sa paglalagay ng mga paninda rito as low as P10,000.

 Inamin ni Arnel na isa siya sa nabiyayaan ng Tindahan ni Aling Puring nang natauhan siya mula sa masama niyang bisyo at sa tulong ng kanyang wife ay nagluluto sila ng pagkain sa bahay nila sa Kamuning at itinitinda nila ito sa Balintawak. Kaya sana ay maging inspirasyon ng mga tao ang kanyang personal na buhay na naging daan kung ano siya ngayon.

 

 

Show comments