Mas pinili na lang ni Gretchen Barretto na maÂnahimik at huwag nang sagutin pa ang away-paÂmilyang nagaganap sa kanila ngayon ng ina at mga kapatid.
Sa The Buzz last Sunday ay guest co-host si La Greta at siyempre ay inabangan ng lahat kung magÂsasaÂlita siya. Pero napaiyak na lang ang aktres nang tanungin ni Boy Abunda kung may gusto ba siyang sabihin.
“Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi madali ’yung pinag-uusapan ka ng buong PiÂliÂÂpinas. Hindi madaling pakinggan ’yung pinagÂdaanan ko... ’yung childhood ko.
“Away-pamilya ’to, Boy, hindi dapat isapubliko. It took so long for me to learn so many things. I learned this week that a tight embrace means the world to me. I learned na marami rin palang nagmamahal sa akin. I also learned that life was not perfect and I can’t have everything,†umiiyak na sabi ni Gretchen.
Kaya sinabi rin niyang ayaw na niyang magsalita pa. At ito ay dahil sa kanyang nag-iisang anak na si Dominique.
“Dominique, my daughter, knows my story. Many years from now, lilingunin niya ‘tong nangÂyari sa akin. Maaalala ni Dominique na ‘My mom never fought.’ And that’s important to me, Boy. ’Yun ang importante. That’s what I want to leave behind,†saad ni Gretchen.
Well, kung kami ang tatanungin, tama lang ang desisyon ng aktres na manahimik na lang at huwag nang sagutin pa ang sariling pamilya dahil, in the end, wala namang panalo sa laban nila simply because magkakadugo sila at hindi talaga maganda na sila-sila ay nagbabatuhan ng kung anu-anong masasakit na salita.
Sen. Koko hindi nahahanapan ng oras ni Kris
Si Sen. Aquilino “Koko†Pimentel III ang pang-sampung senatoriable na ine-endorse ni Mother Lily Monteverde at ipina-presscon na ginanap kahapon sa Imperial Palace sa Quezon City.
Ayon sa Regal matriarch, bilib siya sa humility and diligence ng senador.
“It’s very rare to see a silent worker like Koko,†say ni Mother. “The celebrity status you get as a politician can get to your head. Parang sa showbiz. Pero iba si Senator Koko. He does his job and he doesn’t brag about it. Isang maprinsipyong tao, nagsisilbi para sa ating lahat.â€
Bukod kay Mother Lily, nakuha rin ni Sen. Koko ang tiwala ni Kris Aquino na isa rin sa nag-eendorso sa kanya kaya naman ganun na lang ang pasaÂsalamat ng senador.
February pa nga raw siya sinabihan ni Kris na ie-endorse siya at hindi pa nga lang sila nagkikita para sa pictorial at hinahanapan pa raw ng oras. Aminado si Sen. Koko na talagang plus factor ang endorsement ng Queen of All Media sa kanya.
’Yun nga lang, unfortunately, hindi lahat ng nasa Team P-Noy ay kasama sa listahan ng ine-endorse ni Kris. Ano ang masasabi niya tungkol dito?
“Well, personal decision na po ’yan ni Ms. Kris Aquino. But siyempre, I urge the other Team P-Noy candidates to also approach her. Siyempre, dahil sister naman siya ng pangulo, i-approach din nila,†he said.
Direk Wenn nagsalita na sa pag-etsapuwera kay DJ Durano
Sa presscon ng Bromance: My Brother’s Romance starring Zanjoe Marudo last Sunday ay natanong ang direktor na si Wenn V. Deramas kung bakit wala yata sa pelikula ang favorite actor niya.
Of course, hindi man banggitin ang name, alam ng lahat na si DJ Durano ang tinutukoy ng mga nagtatanong.
At first, say ni Direk ay dalawa ang proyektong ginagawa ni DJ ngayon kaya hindi siya nakasama sa Bromance.
“Pero dahil Linggo ngayon, may bonus kayo. Hindi kami okay, definitely. ’Pag tinanong mo kung okay kami, hindi okay. Siyempre, hindi kami puwedeng magsama sa trabaho kung hindi kami okay,†pag-amin ni Direk Wenn.
Kung bakit sila hindi okay, ’yun ang hindi na sinagot ng Box-Office Director.