MANILA, Philippines - Makisakay na sa byahe tungo sa pagbabago kasama ang Bus ng Bayan ng Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na ng ABS-CBN na mag-iikot sa buong Maynila ngayong Lunes (Mayo 6) upang himukin ang mga mamamaÂyang bumoto at makiisa para sa isang malinis at maayos na halalan.
Lulan ng bus ang ABS-CBN anchors na sina Atom Araullo, Jing Castaneda, at ang Tambayan 101.9 DJs na sina Bea at Chacha. Mag-iikot ang BMPM Team sa sari-saring barangay at paaralan sa Maynila upang sumundo ng Bayan Patrollers sa Barangay Commonwealth sa Quezon City, STI sa Taguig, Barangay Sta. Ana sa Maynila, at sa Luneta Park.
Magtatapos naman ito sa isang mini-concert sa ABS-CBN Center Road sa ganap na 5:30 PM tampok ang performances ng Itchyworms, Rivermaya, KZ TanÂdingan, Ney Dimaculangan, Silent Sanctuary, at marami pang iba. Dito gagaÂnapin ang makasaysayang Panata Para sa Pagbabago kung saan ang mga dadalo ay maghahayag ng kanilang pangakong tumulong at magpatrol sa darating na halalan.
Maglilibot ang BMPM Bus ng Bayan, na may bersyong gaganapin din sa Cebu at Davao, upang paalalahanan ang mga mamamayan ng kung anong mga dapat nilang gawin sa Mayo 13.
Mula sa matagumpay na Boto Mo, iPatrol Mo noong 2007 hanggang sa Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula noong 2010, isang pinag-ibayong BMPM campaign ang inilunsad noong Hunyo ng nakaraang taon.
ABS-CBN ang pinakaunang nagsulong ng citizen journalism sa pamamagitan ng BMPM kung saan hinimok at binigyan ng kapangyarihan ang ordinarÂyong mamamayan na mag-ulat ng anumang uri ng katiwalian sa lipunan gamit ang makabagong teknolohiya. Nagmula rin sa BMPM ang unang litrato ng crime scene sa Maguindanao Massacare noong 2009 nang ipadala ito ng isang Bayan Patroller ilang minuto lang matapos maganap ang krimen.
Nagwagi na ang BMPM ng sari-saring parangal mula sa mga prestihiyosong award-giving bodies gaya ng International Gold Quill Awards, Asia Pacific PR Awards, the Philippine Quill Awards, Anvil Awards, at Tambuli Awards.