Sikat na aktor nagmamantika ang mukha, tadtad din ng tigidig!

Sikat ang aktor kaya kumikita naman ng milyones. Kaya maraming mga showbiz reporter ang nagtataka kung bakit napapabayaan niyang alagaan ang sarili.

Sa tuwing kakausapin siya, maraming gustong magsuot ng gas mask. Hirap kasing matagalan ang kanyang umaalingasaw na hininga! Madalas pa, halos puwede nang magprito sa sobrang langis sa kanyang mukha. Kaya tuloy breeding place ng mga tigidig.

Ang dami namang beauty expert clinic na puwede siyang bigyan ng libreng skin care. Naghihinala tuloy sila na baka may masamang bisyo ang aktor at hindi lang natin alam.

Tulad ng isang aktor na panay pala ang tungga ng alak. Kaya kapag kinausap ay bad breath palagi.

Risa Hontiveros nakakailang sa ganda

Ang mga matatalinong botante, isa sa top choices si Risa Honteveros, ang matapang na aktibista at kampeon ng mga karapatan ng kababaihan at ng lahat na mamamayan.

Ang opinion ng iba kaya hindi gaanong pinapansin ng masa si Rissa ay dahil sobrang ganda. Ang depensa ng masipag na biyuda, wala naman sa hitsura ng isang kandidato ang kapasidad niya upang maglingkod ng tapat. Pangalawang pagtatangka na niya upang mahalal na senadora.

Noong nakaraang eleksiyon, muntik na siyang magwagi dahil No. 13 siya. Pansinin natin ang mga katangian niya at tiyak na makukumbinsi kayong iluklok si Risa Hontiveros sa Senado.

Rock the Vote ng Team P-Noy iikot sa buong Pilipinas

Inaabangan ng mga taga-Dagupan, Cebu, Davao, at iba pang lugar sa bansa ang Rock the Vote show ng mga piling artistang Pinoy upang itaguyod ang mga kandidato ng Team P-Noy.

Itatanghal ang Rock the Vote sa May 6, 7, 8, and 9. Kabilang sa mga sikat na singers at grupong kasali ang Parokya ni Edgar, Noel Cabangon, Ogie Alcasid, at siyempre ang mga artistang nag-endorso ng mga senatoriable.

Nanay ng sikat na teen idol na bulol, pinapalitan ang script

Ang nanay ng sikat na young actor mukhang nabili na ang major stocks ng network kung mag-aasta. Kaya naman pati mga crew, afraid sa kanya kapag nag-start to throw her weight around.

Kahit magsisimula na ang taping, nakagawian ng entabladong mader na palitan ang mga linya ng anak sa naisulat na script. Say naman nila, madalas mabulol sa take ang artista kaya ingat na ingat ang nanay na bigyan ang teen idol ng mahahabang dialogue!

Juday imbiyerna sa pagli-link kay Ryan at Isabelle

Hindi mapigilan ni Judy Ann Santos ang magngitngit kapag idinadawit sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo ang mga young actress na wala namang kinalaman.

“Si Isabelle Daza naman nga­yon,” halatang naiinis na si Juday. “Please naman, tigilan ninyo ang bata. Patawarin naman ninyo ang bata. Susmaryosep naman.”

Sinabi pa ni Juday sa isang TV interview na mahal niya ang pamilya ng mga Daza dahil masasarap mag­luto. Pinupuri pa niya si Isabelle na napaka-charming na babae.

Magkasama sina Mr. & Mrs. Agoncillo sa Hong Kong at nakapag-bonding sila ng husto. Hiling pa ni Juday sa mga mahilig mag-intriga sa mga baguhang artista, “Pagbigyan naman ninyo silang ma-enjoy ang showbiz ng walang intriga.”

Piolo at cast ng OTJ dadalo sa Cannes filmfest, gagastos ng sariling datung

Dadalo si Piolo Pascual sa world premiere ng On the Job sa 66th Cannes international Film Festival. Kahit hindi nasali sa competition ang movie ni Erik Matti, ipapapalabas ito sa exhibition sec­tion.

Siyempre lahat silang dadalo sa Cannes, bibili ng airline ticket at sasagutin ang lahat ng gastos, habang nasa France.

Huwag naman kayong mag-conclude na kahit sa exhibition part ng biggest international festival ay tinanggihan ang Ekstra na bida si Vilma Santos!

Nagwagi na naman si Ate Vi as best actress sa Brussels International Film Festival kung saan nana­lo ng tatlong best actor trophy for Markova sina Dolphy and sons. Naging best actor din si Albert Martinez sa Brussels for Rizal sa Dapitan.

Show comments