Hindi lang pala sila Adolfo Alix, Jr. at Lav Diaz ang dalawang Pinoy directors na may film entry sa nalalapit na 66th Cannes International Film Festival. Makakasama nila si Erik Matti na ang entry na On The Job ay isa sa 21 films na makikipag-compete sa Directors Fortnight ng naturang festival.
Lumabas ang official announcement na ito noong Tuesday, April 23.
Ang mga bida ng On the Job ay sila Piolo Pascual at Gerald Anderson. Co-produced ito ng Reality Entertainment at Star Cinema Productions.
Bale anim na ang bilang ng mga Pinoy films na mapapanood sa Cannes: On The Job ni Matti; Death March ni Alix; Norte, Hangganan ng Kasaysayan; at ang tatlong Filipino short films na kasali sa Short Film Corner ng naturang film festival.
Kahilera na ngayon ni Direk Erik ang mga Pinoy directors na nagkaroon ng pagkakataon na maipalabas sa Directors Fortnight ang kanilang obra.
Kabilang nga rito sila Lino Brocka (Insiang, 1976 and Jaguar, 1980); Mike de Leon (Kisapmata and Batch ’81, 1982); Brillante Mendoza (Kinatay, 2009) at Aureaus Solito (Busong, 2011).
Ang On the Job ni Matti, ay tungkol sa dalawang inmates na pinalabas at binigyan ng trabaho bilang mga hitmen ng mga kaduda-dudang pulitiko. Kasama rin sa naturang pelikula sina Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Empress Schuck, Joel Torre, Angel Aquino, Vivian Velez, Joey Marquez, Leo Martinez, Michael de Mesa, Al Tantay, at Niño Muhlach.
Dalawang pelikula ang ginawa ni Direk Erik noong 2012: Rigodon with Yam Concepcion at Tiktik: The Aswang Chronicles na bida si Dingdong Dantes at Lovi Poe.
Ang Tiktik ay kasalukuyang sini-screen sa Far East Film Festival in Udine, Italy (April 19 to 27) at sunod naman sa New Filipino Cinema 2013 at the Yerba Buena Center for the Arts in San Francisco on June 5 to 9.
Ang Directors Fortnight ay magaganap on May 16 to 26 at ang paglalabanan nila rito ay ang Camera d’Or prize.
Aktor na papasikat na, mas piniling makipag-live in sa non-showbiz
Kinumpirma ng isang male celebrity na nakikipag-live in na ang kaibigan niyang drama actor sa non-showbiz girlfriend.
Kaya naman pala bihira nang makita at makasama ni male celebrity ang kaibigan niyang ito dahil abala na nga sa personal niyang buhay.
Nanghihinayang lang si male celebrity dahil puwede pa naman daw sumikat pa ang kaibigan niyang drama actor.
Kaso may mga palpak itong mga desisyon kaya naudlot ang kanyang pagsikat.
Hindi taga-showbiz ang girlfriend ng kaibigan niya at matagal na raw silang may relasyon. Noong mag-live in na raw ang dalawa, nagulat pa si male celebrity dahil ang alam niya ay may obligasyon pa siya para sa kanyang pamilya.
Nalaman na lang ni male celebrity na binigyan na siya ng blessing ng kanyang pamilya. Tutal ay nakapagpatayo naman na siya ng negosyo para sa kanila kaya gusto naman niyang magkaroon na ng sariling buhay.
Hindi pa naman daw buntis ang ka-live in ni drama actor dahil gusto pa nilang mag-ipon bago sila magbuo ng baby nila.
May mga raket pa ring gagawin si drama actor sa showbiz kaya mapapanood nga raw siya ulit sa isang teleserye.
Nangako naman si male celebrity sa kanyang kaibigan na kung kailangan nito ang kanyang tulong, ibibigay niya ito agad-agad.