Sarah G. maligaya kahit hindi pa ‘nakakatikim’

Please lang, huwag naman ninyong pagbinta-ngan si Sarah Geronimo na scripted ang kanyang sagot kapag tinatanong ang kanyang pagiging single, o walang boyfriend sa edad na 24.

Say ni Sarah G., maligaya naman siya at peace with herself, kahit kung minsan ay naiinggit sa iba. Well may chinika sa akin ang isang kaibigang matandang dalaga. ‘‘Never ka namang maghaha-nap ng isang bagay na hindi mo natikman.’’

Napanood kaya ni Sarah ang 90th anniversary birthday celebration ni Mother Angelica na founder ng EWTN (Catholic network) at ng order ng mga madreng mga Holy Angels nuns?

Direk Lino nami-miss nang umarte

Humanga si Sen. Allan Peter Cayetano sa pagbibigay tulong sa kanyang Senate re-election bid ni Mother Lily Monteverde, na walang hi-ninging kapalit.

‘‘Tanging hiling sa akin ni Mother, ‘‘mahalin mo ang industriya ng pelikula.” Sa pakiusap na ito ni Mother Lily sa senador, higit na napatunayan ang buong-pusong dedikasyon ng lady prodyuser, na higit pang umunlad ang Philippine movie industry.

Ang Regal matriarch naman, kusang loob ang suporta kay Sen. Allan Peter, dahil alam niya na isang tapat at masipag na mambabatas ang kanyang sinusuportahan. Si Mother Lily naman, laging bukas ang palad sa pagsuporta sa mga pulitikong nagsisikap na maging progresibo ang pamumuhay ng mga Pinoy.

Malapit kay Sen. Cayetano ang showbiz at isang kilalang young TV and film director ang kanyang bunsong kapatid na si Lino Cayetano, na ngayon ay kandidatong congressman sa Taguig, matapos mag­lingkod bilang barangay chairman.

Agad na-miss ni Direk Lino ang showbiz dahil tatlong buwan na siyang tumigil sa paggawa ng teleserye at pelikula upang harapin ang kanyang kandidatura.

Noong mga nakaraang taon, nagawa niyang mag­lingkod bilang barangay chairman, sabay sa pagdidirek niya ng mga teledrama. ‘‘Maaari naman pagsabayin ang dalawa,’’ paniniyak ng would-be congressman.

Kaya nangako si Direk Lino na never niyang iiwanan ang showbiz. Ang sabay bunting-hiningang malakas na bulong ng mga kafatid, ‘‘Promise, ha!’’

Aktres luha ng buwaya ang lumabas nang umiyak

Nakahanda na ang waterfall of tears ng isang aktres na may TV interview sa isang lugar. Bago pa umagos ang mga precious tears, nagtanong muna siya sa crew, ‘‘meron ba akong sariling dressing room diyan?’’

Sa mga detractors niya nagtatak na crocodile tears ang aagos sa artista, baka hindi ninyo alam ang ibig sabihin ng tunay na luha ng buwaya. Sa pagkaalam namin sa mga lola, ibig sabihin nito, ang pagngalngal na wala namang tumutulong luha. Pawang mga paghikbi lang at facial expressions!

Ano naman kaya ang maaaring itawag sa masabaw na pagluha ng aktres?

JuLI Elmo hindi pa rin kilala

Bintang ng mga fans ni Daniel Padilla, nakikisakay lang sina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona sa kasikatan ng kanilang idol. Gusto lang mapansin ng pareha dahil hindi pa naman talaga sila kilala sa local showbiz.

Show comments