Hindi umiyak si Rochelle Pangilinan nang gupitan ang kanyang mahabang buhok para sa kontrabida role niya sa Home Sweet Home.
Okay lang daw na maiba na ang buhok niya dahil mula nga naman nang magsimula siya bilang Sexbomb dancer noong 2000 ay ganun na ang buhok niya. Panahon nang ibahin na rin ang hitsura at pati kulay ng buhok niya.
Dahil mahaba ang natanggal, naisip din ng dancer turned actress na i-donate ’yung naputol niyang buhok kaso nga nakita niya na patay na ’yung dulo.
“Nakakahiya naman kaya pinatapon ko na lang. Mas okay ang bagong buhok ko. Mas presko at bagay sa role ko ngayon sa Home Sweet Home.
Makikipagsabayan ngayon si Rochelle sa pagiging mataray with Gladys Reyes at Celia Rodriguez. Idolo niya ang dalawang ito sa pagiging kontrabida kaya hindi wala siyang balak na sapawan sila.
Kylie hindi nahahawakan ang mga kinikita, diretso sa binabayarang condo
Masinop pala sa kanyang talent fees si Kylie Padilla. Ayaw kasi niyang humingi na sa kanyang amang si Robin Padilla para sa ilang mga gastusin niya.
“Simula po noong mag-work na ako, nag-iipon na po ako. Nakakahiya naman pong humingi pa ako kay papa ng panggastos.
“The fact na nagtatrabaho na ako I am responsible sa mga kinikita ko and my manager, Bechay Vidanes, is helping me on the financial side.
“She sees to it na okay ang mga talent fee ko and that I only spend ’yung kaya ko lang,†sabi ni Kylie.
May binabayaran pang condo unit ang young actress sa may Rockwell na nagkakahalaga ng P8 million. Kaya halos lahat ng kanyang kita mula sa kanyang mga teleserye ay doon lahat napupunta.
Hindi rin naman daw kasi siya magastos na tao. Kaya hindi kataka-takang may naiipon siya.
“Hindi ako gumigimik. After taping, I go straight home. Hindi rin ako mahilig sa shopping kasi may mga sponsor naman ako for my daily needs sa tapings,†sabi ng GMA 7 star.
April Boy, Mystika, at Victor Wood magso-showdown
Ngayong Sabado sa Celebrity Bluff, tatlong markadong personalidad sa Pinoy pop music ang magsyo-showdown sa ngalan ng kalahating milyong piso!
Ito ay sina April Boy Regino, Mystika, at Victor Wood.
Now on its new timeslot after Magpakailanman, kasama pa rin si Eugene Domingo.