MANILA, Philippines - Aminado ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz na noong una pa lamang silang magtambal ni Sarah Geronimo sa pelikulang A Very Special Love noon ay naakit na siya agad ng karisma at magic ng dalaga kaya kamuntik na nga siyang “magkasala.â€
“Doon ako nadale ni Sarah, ng magic niya, ng charm. Iba siya, iba talaga. In the movie, she made me want to sin. Ang bigat noon pero kinaya ko,†pahayag ni John Lloyd sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Inside The Cinema.
Agad namang nag-react si Sarah sa naging pahayag ni John Lloyd patungkol sa kanya.
“Si Loydie, siya ‘yung taong mabilis matuwa, ma-endear sa isang tao. Sa tingin ko iyon lang iyon,†buwelta pa ng bida ng pelikulang It Takes a Man and a Woman na patuloy pa ring tumatabo ngayon sa takilya.
Malaki ang pasasalamat ni Sarah kay John Lloyd dahil muli nga silang nagkasama sa napakagandang pelikulang It Takes a Man and a Woman.
“Thank you, thank you so much at nagkasama tayo ulit at na-restore rin ang ating magandang pagkakaibigan,†sabi pa ni Sarah.
Maging ang binata ay very thankful din sa opportunity na pinagsamahan nilang dalawa sa big screen.
“Sars, thank you for the opportunity, for the friendship. Sana it doesn’t end here. Sana hindi siya matapos and from my end, alam mo naman na I’ll always be here. You’re very special to me. Maraming, maraming salamat na ako ito at ikaw iyan. Thank you,†pahayag ni Loydie.
At dahil sa tagumpay ng kanilang role as Miggy and Laida ay marami ang umaasang fans na muli silang mapapanood pa sa pelikula.
“Definitely, magkakatrabaho pa kami. This is not the end for me and Sarah. Malabo iyon, imposible iyon. I can’t wait to see the next material for me and Sarah,†paniniguro ni John Lloyd.