Magkasama ang mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Daza sa pelikulang Lihis na dinirek ni Direk Joel Lamangan sa tulong ng businesswoman na si Baby Go bilang co-producer.
Isinali ni Direk Joel ang Lihis sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival ng Film Development Council of the Philippines. Ang Lihis ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaÂking nakikipaglaban sa kalayaan laban sa diktador ng regimeng Marcos.
Hindi lang pag-ibig sa bayan ang ipamamalas kundi ang sinisikil na pagmamahal ng dalawang aktibistang namundok na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Joem Bascon. Tampok din si Lovi Poe at ang mag-inang Gloria at Isabelle nga.
First time ni Isabelle na makatrabaho si Direk Joel. Noong una ay kabado siya dahil marami siyang nariÂrinig tungkol sa direktor na may disiplina pagdating sa trabaho. Kalaunan ay nag-enjoy na ang magandang aktres dahil marami siyang natututunan kay Direk Joel. Naging relaxed na siya. Ayon naman sa direktor, magaling na aktres si Isabelle dahil sumusunod ito sa instructions. Kino-control lang ng direktor ang kanyang mannerism.
May confrontation scene ang mag-ina pero hindi tinuturuan o pinakikialaman ni Gloria ang akting ni Isabelle.
Challenging para kay Isabelle ang matuto ng tamang Tagalog dialogue at hirap pa siyang mag-memorize ng lines. Pero bilang ina, hindi nito pinababayaan ang anak at ang payo lang ay humanap ng tamang lalaki para sa kanya — ‘yung hindi siya bubugbugin dahil siya ang makakalaban nito.
Ang award-winning screenwriter na si Ricky Lee ang sumulat ng script ng indie film.
Enzo nagsalita na sa ‘gimik’ na hiwalayan nila ni Louise
Mahal ni Enzo Pineda ang kanyang career kaya minabuti na maghiwalay muna sila ng nobyang si Louise delos Reyes.
‘‘Magkaibigan pa rin kami at open ang communication line namin. May nagpapalagay na gimik lang ang aming breakup pero hindi po totoo dahil magkaibigan na lang kami ngayon,’’ sabi ng aktor.
Photographer ang ginagampanan ni Enzo sa Kakambal ni Eliana na pinagbibidahan ni Kim Rodriguez.