Binura ng has been actress ang mga talak niya sa Facebook. Nagpalit din siya ng pangalan.
Malamang na natauhan ang aktres sa kontra-talak sa kanya ng kalaban niya. Kasi naman, ang hilig-hilig ng has-been actress na mag-eskandalo sa social media pero tameme siya sa tuwing nagbo-boomerang ang mga drama niya.
Holier-than-thou ang hitad pero ito ang numero unong kumokontra sa kanyang mga sermon na hindi naman sineseryoso ng mga tao dahil hindi na siya pinaniniwalaan.
Gym ni Richard dinarayo
Tumaba si Richard Gutierrez nang magbakasyon sa Switzerland pero nang magsimula ang taping ng Love and Lies, pumayat agad siya.
Madali kay Richard ang magpapayat dahil may disiplina siya sa katawan. May sariling gym din siya na regular na pinupuntahan, ang Ultimate Fitness na located sa MetroÂwalk, Pasig City.
Dinarayo ang gym ni Richard dahil mahuhusay ang mga fitness instructor. Mga ordinaryong tao at hindi lamang mga celebrity ang pumupunta sa Ultimate Fitness na bongga at sosyal ang gym equipment.
Bela hindi alam ang role kahit nagpo-promote na
By now, alam na siguro ni Bela Padilla ang role niya sa Love and Lies dahil clueless pa siya nang mag-guest sa H.O.T. TV noong Linggo.
Tinanong si Bela tungkol sa kanyang role. Sumagot siya na hindi pa niya alam dahil kasisimula pa lamang ng kanyang taping. Naging honest si Bela pero mali ang diskarte niya. Bilang isang responsible actress, inaalam niya dapat ang papel na gagampanan. Hindi puwede ang sagot na “hindi pa alam.â€
Ryzza Mae ginawang Angelina Jolie
Ang cute-cute ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang long gown na may slit. Mala-Angelina Jolie si RyÂzza Mae pero hindi malaswa ang picture niya, kahit litaw ang kanyang binti na maigsi.
Si Ryzza Mae na nga ang bagong child wonder dahil in demand siya at maraming fans. Hindi pang-artista ang face ng bagets pero super lakas ng kanyang karisma.
Nag-react naman ang mga walang sense of humor. Hindi raw dapat pinagsusuot si Ryzza nang ganoong klaseng gown. Dyuskoday, hindi uunlad ang ating bayan kung paiiralin ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng utak-talangka.
Promo ng coming soon personal na inaasikasong mga produ
Personal na inaasikaso ng mga producer ng Coming Soon ang promo at publicity ng kanilang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa April 17.
Kung bumibiyahe kayo sa EDSA, makikita ninyo sa mga bus na pumapasada ang mga poster ng Coming Soon. Sangkatutak din ang endorsements sa social media ng celebrity friends ng mga producer na sina Ronald Singson, Neil Arce, at Boy2 Quizon. Sila ang mga artista na pumayag na lumabas nang libre sa Coming Soon dahil friends nila ang mga produ.