Renz liligawan si Coleen

MANILA, Philippines - Matapos ang kontrobersiyal na breakup nina Coleen Garcia at Gab Valenciano, maugong naman ang bali-balitang si Renz Fernandez na ang bagong nagpapangiti kay Coleen ngayon. Iginiit naman ng dalawa na magkaibigan lang sila. Ngunit may pag-asa kayang mauwi sa pag-ibig ang friendship nila?

Samantala, humaling na humaling ang karakter ni Renz (Jason) kay Alice na ginagampanan ni Coleen sa hit fantaserye ng ABS-CBN na Little Champ. Bukod sa pagiging superheroes, paano naman kaya matutulu­ngan nina Caloy o “Super Kidlat” (JB Agustin) at kabayong si Chalk o “Liksi” ang kaibigan nilang si Jason upang mapalapit sa puso ni Alice?

Mainit namang sinalubong ng fans ang child stars na sina JB at Sofia Millares (Lulubelle) sa ginanap na meet-and-greet mall tours nung Easter Sunday sa Toy Kingdom, The Block, SM City North EDSA; Toys R Us, Robinsons Magnolia; Toys R Us, Robinsons Galleria; at Toy Kingdom, SM Megamall.

Tunghayan ang kakaibang kuwento ng pagkakaibigan, pamilya at kabayanihan sa Little Champ tuwing hapon bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Show comments