Kapwa actress inggit na inggit drama actress na sariwa ang hitsura ginagamitan ng gayuma ang mga bagets na katrabaho para matikman!

Kahit madir na madir na ang hitsura ng drama actress na ito, nakaka-score pa rin nga raw ng mga bagets para mapunan ang makamundong pagnanasa nito.

Sa katunayan, dalawa sa guwapong bagets actor na nakatrabaho ni drama actress kamakailan sa isang teleserye ay natikman nito.

Kaya laking gulat ng isang kasamahan ni drama actress, na kung tutuusin ay mas pagnanasaan ng dalawang bagets actor, ay hindi niya mahuli ang kiliti ng mga bagets.

Ang ending ay ginagalang siya ng mga ito at turing sa kanya ay parang teacher nila sa elementary school.

Nalaman ng isang drama actress na tila may ga­yuma na ginagamit ang kasamahan niyang drama actress kaya naaakit niya ang sinumang lalake.

Hinahalo raw nito ang special gayuma sa pagkain na dinadala niya sa taping nila. Kaya pala may hiwalay na mga pagkain na may pangalan ng dalawang bagets dahil special pala iyon at may kung anong hokus-pokus na ginawa ang drama actress para ang tingin sa kanya ng dalawang bagets ay 36-24-36 ang figure niya at kasariwaan ang hitsura niya.

“May lahi palang mangkukulam ang bruhang ‘yan,” sey ng source naming close sa drama actress.

 â€œKaya pala ang mga bagets, nagkakandarapa sa kanya sa hindi mo maintindihan na dahilan, ginagayuma pala niya.

 â€œKaya ang bruha, ayun at pulang-pula ang hasang dahil nabingwit niya ang dalawang malalaking isda sa dagat!”

Gusto tuloy alamin ng isang drama actress kung saan kinukuha nito ang kakaibang gayuma para ma-magic nito ang mga bagets.

Matagal na rin kasing tigang ang drama actress na ito at ayaw na niyang pumatol sa mga kaedad niyang mga lalake.

Sariwang katas ang gusto niya para ma-maintain ang freshness niya.

Kaya kahit magkano raw ang gayuma na iyon, handa niyang bilhin para sa kakang-gata ng mga bagets ang makuha niya at hindi mga latak mula sa mga dating dine-date niyang mga aktor.

Nasirang mother in law bibigyan ng tribute ni Cristina Decena

Bibigyan ng magandang tribute ng businesswoman na si Cristina Castillo ang kanyang yumaong mother-in-law na si Elvira Villasanta o mas kilala ng marami sa telebisyon na si Mommy Elvie.

Sumakabilang-buhay si Mommy Elvie noong nakaraang February 8 sanhi ng sakit nitong breast cancer. Si Mommy Elvie ang ina ng estranged husband ni Cristina, ang komedyanteng si Ariel Villasanta.

Ayon kay Cristina, ipapalabas ang tribute kay Mommy Elvie sa GMA News TV just in time for Mother’s Day sa buwan ng Mayo.

Sa GMA News TV ipinalabas ang reality-co­me­dy show ng mag-inang Mommy Elvie at Ariel na Mommy Elvie@18.

“Pinagsama-sama namin ang ilang mga special episodes ng show tapos may mga interviews mula sa mga taong malapit kay Mommy Elvie.

“Siyempre nandiyan sila Joey (de Leon) at si Eileen (Macapagal-de Leon). Kapatid ni mommy na si Mommy Emma. At ‘yung mga apo kasama rin.

“Mahal na mahal ko si Mommy Elvie. Wala na rin kasi akong mother kaya si Mommy Elvie ang tinuring ko ng second mother ko.

“Kahit na nagkahiwalay kami ni Ariel, nagkakausap naman kami parati ni mommy. Nasabi niya sa akin na lagi niyang pinagdarasal na maging okey kami ni Ariel,” sabi ni Cristina.

Show comments