MANILA, Philippines - Nakatikim ng panlalait ang baguhang aktres sa kanyang direktor dahil hindi nito maiarte nang mabuti ang eksenang pinagagawa sa kanya.
Sa totoo lang, inabot na ng seven takes ang aktres pero bigo pa rin ang direktor na magustuhan ang akting niya!
Nagdayalog na ang direktor sa aktres, “Sabihin mo kung hindi mo kaya para matapos na ang paghihirap natin dito!â€
Sinabi iyon sa harap ‘yang ng main cast na nasa shooting.
Mangiyak-ngiyak ang aktres sa pagtataray sa kanya ng direktor pero dahil ginusto niyang mapasama sa pelikula kahit bano sa acting, nagdusa na lang siya sa katarayan ng direktor!
Delubyong nilikha ng madir ni Heart, malaking tao ang nasa likod?
Sundin na lang sana ng madir ni Heart Evangelista na si Cecille Ongpauco ang suggestion ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na hayaan na lang ang anak sa desisyon niyang sundin ang puso. Tutal naman hindi na bata ang anak upang mahalin si Sen. Chiz Escudero.
Sa totoo lang, may inconsistencies sa pahayag ni Cecille kasi naman may history na ang madir pagdaÂting sa ex-boyfriends ng anak na sina Jericho RoÂsales at Daniel Matsunaga, never niyang nagustuhan ang dalawa para sa anak. Pero sinuwag siya ni Heart ngaÂyon!
Eh kung bastos si Chiz makakamit ba niya ang posisyon bilang senador?
May nagsasabi na pera ang dahilan ng lahat ng hinaing niya. Malakas ang kutob nila na ngayong matatag ang relasyon ng anak sa senador, etsapuwera na sila sa desisyon ng anak!
And worst of all, may malalaking tao na laban kay Sen. Chiz ang nasa likod ng mga delubyong nilikha ni Mrs. Ongpauco!
Naaawa tuloy kami sa senador na pinagbibintangan ng walang basehan na akusasyon.
Raymart walang problema sa alaga ng GMA
Tinanggihan ni Raymart Santiago ang offers ng ibang network dahil hindi naman daw siya pinababayaan ng GMA Network.
Natawa lang ang aktor nang biruin ng press sa pictorial ng bagong series na Home Sweet Home na laging may dagdag sa kanyang talent fee tuwing may bagong progÂrama.
“Wala naman kasing problema sa GMA. Alam nila kung kelan nila ako bibigyan ng work. At ang maganda, ’yung gusto kong klase ng series ang binibigay nila,†rason ni Raymart.