Magulang ni Heart bigla-bigla ang pag-eksena!

Ayaw na naman daw ng mga magulang ni Heart Evangelista kay Senador Chiz Escudero at ngayon ay inuutusan ang kanilang anak na layuan na ang boyfriend. Iyon pala ayaw nila, bakit hinintay pa nilang maging boyfriend bago nila sinabi.

Pagtatanggol sa panalo ni Nora pinagtawanan

Talagang ang lakas ng tawa namin sa nabasa naming post ng isa pa sa mga natitirang fans ng dating superstar na si Nora Aunor sa isang social networking site. Sabi niya, isang malakas na sampal daw sa Star Awards ang pagkakapanalo ng dating superstar sa Asian Film Festival Awards sa Hong Kong.

Bakit magiging sampal iyon sa Star Awards? Hindi ba talaga namang iba-iba ang choices ng mga award giving bodies? Kung dito nga sa Pilipinas anim ang award giving bodies hindi nagkakapare-pareho ng desisyon eh, iyon pa bang mga dayuhan ang jurors? Parang pagkain din iyan, kanya-kanya ng taste. Kung ang gusto ng isang kainin ay lechon, at ang isa naman ang paborito ay tokwa, hindi ba natural lang naman iyon kung magkaiba sila?

Ano ang sinasabi nilang mabigat na sampal doon?

May nagsasabi, hindi kaya pinapanalo nila doon si Nora dahil galit pa rin sila sa mga Pilipino dahil sa mga napatay na kababayan nila sa Luneta hostage?

Isa pang tanong, napanood ba noong mga taga-Hong Kong ang pelikula ni Angel Locsin. Kung napanood kaya nila ay hindi magbabago ang kanilang desisyon? Alalahanin ninyo, wala silang napanood na ibang pelikulang Pinoy kung di iyang pelikula ng dating superstar na si Nora Aunor at iyong Bwakaw ni Eddie Garcia. Hindi kaya naiba ang kanilang desisyon kung napanood nilang lahat ang mga pelikula natin?

Kami, napanood namin iyang Ang Matris (Thy Womb) noong festival. Isa kami sa limang nanonood sa isang sinehan. Hindi namin nagustuhan ang acting ni Nora sa pelikulang iyon. Mas magaling pa siya sa Himala at sa Tatlong Taong Walang Diyos. Pero diyan sa Ang Matris, wala eh. Hihintayin na lang namin kung totoo ngang gagawa siya ng pelikula na true to life story tungkol sa pagkasira ng kanyang boses na ang title naman daw ay  ‘Ang Lalamunan.’

Kuya Mar wala nang problema, puro pagmamahal at kapayapaan ang nadarama

Yumao na ang batikang entertainment journalist at editor na si Mar de Guzman Cruz. Noong nagsisimula pa lang kami, si Kuya Mar ang aming mentor.

Ayaw namin sabihing nakikiisa kami sa pagdadalamhati, dahil hindi naman dalamhati iyon. Nawalan tayo ng isang kaibigan sa lupa, nadagdagan naman ang ating kaibigan sa langit, kung saan sila ay wala nang problema at puro pagmamahal at kapayapaan ang kanilang nadarama.

Kuya Mar, hanggang sa magpakailanman.

 

Show comments