Nakumpirma tuloy ang matagal nang hinala na bading ang male singer na ito dahil sa naging kaguluhan sa isang venue na kanyang pinagtanghalan sa ibang bansa.
Meron kasing pumasok na mga lasing na custoÂmers habang nagsu-show siya at pinapapalitan nito ang mga inaawit niya.
Nagreklamo nga ang mga nagbayad para manood ng show ni male singer sa mga lasing na pumasok. Noong pakiusapan ng mga bouncer na umalis sa naturang lugar ang mga lasing, doon na nagsimula ang gulo.
Habang nasa stage ay natulala ang singer sa mga nagaganap nung nagliliparan ang mga bote, silya at mga plato. Nagulat na lang daw ang male singer na biglang may lumipad na bote papunta sa mukha niya at mabilis niya itong nailagan.
Sa sobrang shocked ay nataranta ang male singer at hindi niya alam na hawak pa niya ang microphone nang tumalak daw ito. Muntik na raw kasing matamaan ang kakapaayos lang niyang ilong at bigla raw itong nag-iiyak sa stage.
Marami nga raw nagulat sa naging reaction ng male singer. Pero dumating daw agad ang mga kasamahan ni male singer at hinatak na ito sa backstage.
Pero hawak-hawak pa rin daw nito ang microphone at naririnig pa rin daw nila ang pagtalak nito backstage. Hanggang sa may nakapansin na kasama niya ay biglang pinatay na ang mike.
Hindi na nga raw tinuloy ang show nito sa sumunod na gabi dahil masyado na raw na-trauma ang male singer. Dahil nga sa kaguluhan, nabuking tuloy ang tunay na kasarian ng male singer na sobrang concern sa kanyang ilong.
Christine ayaw tantanan ng LGBT!
Nag-apologize na ang TV host na si Christine “Tintin†Bersola-Babao via Twitter dahil sa lumabas sa kanyang column na ParenTin Talk sa broadsheet na Philippine Star titled Being Gay, pero patuloy pa rin ang atake sa kanya ng ilan pang mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) community.
Sa huli naming pag-uusap ni Tintin, sabi nga niya na ginagawa niya ang kanyang next column na lalabas after Holy Week sa Philippine Star bilang sagot sa lahat ng mga katanungan at sa mga kumukuwestiyon sa kanyang sinulat sa column na lumabas noong March 11.
Sa pamamagitan daw ng kanyang column ay maipapaliwanag na niya ang lahat na sana’y maging malinaw na para sa LGBT community na hindi siya isang homophobic.
“Less said the better,†simpleng sagot na lang ni Tintin.
Inabisuhan din daw kasi si Tintin na sumagot na lang after lumabas ang kanyang column.
Ang LGBT group na Ang Ladlad ang siyang nagpahayag ng kanilang disappointment sa diumanong “homophobic†point of view ni Tintin. Isa nga kasi sa tatakbo bilang party-list ang naturang LGBT group sa darating na May 2013 elections.
Personally, we know Tintin for 20 years. Ang pagkakaibigan namin ay umabot pa sa pagiging ninong ko sa panganay na anak nila ni Julius Babao na si Anya (Antonia Julia Sofia Babao), who just turned 8-years old last February 26.
Saksi kami sa kabaitan at pagiging generous ni Tintin sa mga gay people na kanyang nakakatrabaho sa mga TV shows, pictorials, commercial shoots at iba pang events.
Kahit kaunti ay wala kaming naramdaman o nakita na isang homophobic si Tintin.