MANILA, Philippines - Apat na taon ang lumipas bago uli nasundan ang huling pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na You Changed My Life. Pero kahit natagalan ito, nandoon pa rin ang nakakalikig na team-up ng dalawa sa trailer ng It Takes a Man and a Woman na mula pa rin sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina gaya nang dalawang movies ng box-office giants.
Binuhay nga muli nina Lloydie at Sarah ang dati nilang characters na si Laida at Miggy. ’Yun nga lang, sa third installment ng romantic-comedy, isang braver, bolder, and fiercer ang drama ng Pop Princess, huh!
“’Yung character ko rito, ’yung experiences niya na nangyari sa buhay niya, ipinakita how imperfect we are! How imperfect ang buhay natin. That’s reality. Kailangan mong tanggapin ’yan! Hahaha!
“May mga bagay na…May mga bagay na… na siguro hindi talaga para sa ’yo. Halimbawa sa pag-ibig. And time will come that you have to let go. ’Pag ni-let go mo ’yon…ewan ko. Ako kasi nung nag-let go ako…doon ko nalaman ’yung pagmamahal. Kung anong klaseng pagmamahal meron ako. Ibang level ng pagmamahal na meron ako sa puso ko.
“Sina Miggy at si Laida, nung ginawa nila ’yan, si Laida…eh siguro plano ng Diyos na magkita silang muli at I-resolve ’yung…parang ikinukuwento ko na ’yung pelikula. Hahaha! Panoorin ninyo!†parang na-carried away na kuwento ni Sarah sa pagkakahawig ng character niya sa movie sa totoong buhay nung presscon ng movie.
“Si Miggy naman, si John Lloyd. Ang pinakaimportante ang natutunan ko, you know, lahat ’to, itong nangyayaring ito…Success, the fame, the money, you know. Sinabi sa akin…,†putol na saad naman ni John Lloyd na unti-unting naging emosyonal sa bahaging iyon ng presscon.
Kunwari nga ay sira ang mic upang pigilan ng aktor ang nangingilid na luha sa mata.
“In the end, sa lahat ng nangyayaring maganda, yaman, success, in the end, sasabihin sa ’yo, just be a good person. ’Yun lang. That’s all that matters! Just be a good person! Lahat secondary! Just be a good person,†dugtong ni JLC na gumagaralgal na ang boses.
“Madaling maging good person,†sabad naman ni Sarah.
“Actually, hindi madali,†kontra naman ni Lloydie.
“’Yun kasi si Miggy eh. He wants to be the best person. Number one. He wants to conquer the world. But in the end talagang…’Yun ba talaga ang magpapasaya sa ’yo? ’Yun ba talaga ang importante?
“In the end, ’yung isang importante sa buhay ko, told me, ‘You know, I just want you to be a good person.’ That’s all that matters! ’Yun ang natutunan ko,†paliwanag ni John Lloyd.