MANILA, Philippines - Ang dating FHM Girlsfriend for the Month at ngayo’y Viva artist na si Alexis Navarro, kasama ng Go Girls at ang bandang 6-Part Invention ay magtatanghal sa awarding ng Manila Bay Seasports Festival, na gaganapin sa ika-17 ng Marso, alas-siyete ng gabi sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk.
Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay magsasagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.
Ilan sa mga koponang kalahok sa Dragon Boat Mixed-Open championships ay ang One Piece Drakon Sangress, Rogue Pilipinas, Triton Dragon Racing Teams, Amateur Paddlers Philippines, Mahalrika Drakon, Blue Phoenix, Onslaught Racing Dragons, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Manila Ocean Park, Dragons Republik Philippines, Adamson Draconis Falco, RCP Sea Dragon, Cebu Dragons, Lake Buhi, at Buhi-Camsur Team.
Nakatala namang lalahok ang batikang mga bangkero mula Pangasinan, Cavite, Quezon, Batangas, La Union, Negros Occidental, Navotas, Cagayan Valley, Surigao del Sur, Laoag, Misamis Oriental, Binangonan, at Iloilo.