Paulo sorry nang sorry sa Enpress!

MANILA, Philippines - Talbog ang ilang celebrity sa amin, Salve A., habang ini-interview kami nina Mario Dumaual ng TV Patrol at MJ Marfori ng TV5, katabi si Paulo Avelino sa last shooting day ng Regal Entertainment, Inc. movie na The Bride & the Lover.

Bukod kasi sa personal na tawag at text sa amin ni Paulo na humingi ng sorry sa “bad joke” niya nang maging presentor sa Golden Screen Awards for TV ng Entertainment Press Society (Enpress) nung Lunes lang kami nagkaharap ni Paulo.

True to what he said previously, muling inulit ni Paulo ang pagsabi ng “sorry” sa ginawa niya. Hindi na kami nag-inarte pa upang pahirapan siyang tanggapin ang apology niya. Pero gaya nang una naming rason sa kanya, ipararating namin ang gesture niya sa members ng Enpress upang malaman ang sentimiyento nila.

Nag-promise naman si Paulo na maging sensitive sa mga susunod niyang sasabihin. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaaway sa press kaya ayaw na niyang maulit pa uli ang pangyayari.

Parang bata nga si Paulo na bulung nang bulong sa amin ng, “Tito, hindi ko talaga sinasadya. Sorry!” Maging sa interview namin sa kanya, nandoon ang ilang kay Paulo dahil hindi niya akalaing ang isa sa taong nasaktan niya eh kinakausap pa rin siya.

Ilang dekada na rin kami sa showbiz. Marami na rin ka­ming nasaksihan at nakaengkuwentrong artista. Natutunan na naming maging forgiving dahil kesa naman pairalin pa namin ang aming pride sa ganitong sitwasyon, mas mabuting gawin na lang nating mabuti ang ating trabaho and enjoy life.

Why make enemies when you can make friends, ’di ba, Salve? (Korek na korek tito. Ikaw na! Hahaha. – Salve A.)

Lovi ayaw sa nega

Hindi nakadarama ng emptiness sa buhay si Lovi Poe kahit na nga tigang siya sa boyfriend. Masaya siya sa nangyayari sa buhay at career niya ngayon kaya naman walang puwang ang mga negatibong bagay na pag-aksayahan niya ng panahon.

 â€œI don’t dwell on the negative things anymore. Parang I’d rather be like this than where I was before,” rason ni Lovi nang makausap namin sa shooting The Bride & the Lover.

Hindi naman daw sagabal sa buhay niya ang pag-ibig.

 â€œDepende how you handle it. Pero now I’m very much happy!” tugon ng aktres.

Pero wala mang boyfriend, patuloy pa rin ang sightings na magkasama sila ni Jake Cuenca. Tiyak na titindi na naman ang tsismis sa kanila once sinimulan na nilang mag-shooting ng Lihis na entry ni Direk Joel Lamangan sa Sineng Pambansa sa Setyembre!

Show comments