Kung pinatunayan ni Alden Richards ang husay niya sa drama nang gawin niya ang primetime series nila ni Louise delos Reyes na One True Love, naÂging mahirap naman sa kanya ang pagganap niya sa tunay niyang katauhan sa Magpakailanman na mapapanood mamayang gabi sa GMA 7.
Hindi raw naging madali ang pagpayag nila ng amang si Richard Faulkerson, Sr. na gawin sa drama anthology ni Mel Tiangco ang buhay nila na para sa kanila ay too personal dahil kailangang idetalye ang mga pangyayari tulad nang pagkawala sa kanila ng kanyang ina. Nakadalawang revision ang script bago sila naidirek ni Gina Alajar. Gumanap niyang parents sina Mark Gil at Jackielou Blanco.
Kahapon naman nagsimulang mag-taping ang buong cast ng bagong primetime drama series ni Alden, ang Mundo Mo’y Akin, at totally different daw ito sa role niya noon sa One True Love. Medyo gray ang character niya at mas mai-establish ang love triangle nila nina Louise at Lauren Young. Bago ito kay Alden dahil first time niyang makakasama ang mga mahuhusay na artista: Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, at Jaclyn Jose.
Biniro si Alden na mukhang masuwerte siyang ma-link sa mga nali-link naman sa friend niyang si Elmo Magalona, sina Julie Ann San Jose at Lauren, wala raw sanang ganun dahil pare-pareho silang magkakaibigan lamang, mga bata pa sila at work muna ang priority nila.
Lauren ayaw paapekto kay Julie Ann
Inamin ni Lauren Young na personal siyang nagpaalam sa ABS-CBN na lilipat siya sa GMA Network last year after ng ilang months na wala silang project with them. Inilatag niya ang offer ng GMA tulad ng three-year exclusive contract na two drama series a year. Naintindihan daw naman siya kaya siya pinayagan. Eleven years old lamang pala si Lauren nang pumasok siya sa ABS-CBN. Masaya na siya na mayroon na siya agad primetime series sa GMA 7, ang Mundo Mo’y Akin.
Ready ba siya sa intriga dahil makakasama na niya sa Kapuso Network ang nali-link sa kanyang si Elmo Magalona pero ang ka-love team naman ay si Julie Ann San Jose? Hindi raw iyon makakaapekto sa kanya dahil wala naman talaga silang relasyon ni Elmo, good friends lamang sila ng sister niyang si Megan (na dating GMA talent) sa Magalona family. Si Pia Magalona ang manager ni Lauren.