Ruffa hirap magsalita sa paglipat ng network

MANILA, Philippines - Malakas ang bulung-bulungan ngayon na muling mag-oober da bakod sa Kapamliya Network ang TV host at aktres na si Ruffa Gutierrez. Balitang ngayong patapos na ang kontrata nito sa Kapatid Network ay hindi na ito magri-renew doon at bagkus ay babalik na ito sa ABS-CBN. Kamakailan ay guest si Ruffa sa comedy sitcom na Toda Max kaya marami ang nagsasabing totoo ang balitang magiging Kapamilya na muli ito.

Balitang naiinip na si Ruffa sa takbo ng career niya sa TV5 kaya mas gusto pa nitong maging Kapamilya na muli.

Ang huling project na nagawa niya sa TV5 ay Enchanted Garden at wala na itong regular show doon ngayon. Nang makausap si Ruffa ay hiningian siya ng reaksiyon tungkol sa gagawin niyang paglipat.

 â€œSiyempre, ’yung mga tao, iba-iba ’yung speculations dahil right now everything is still too early to talk about. You will know in a couple of weeks what’s gonna happen.

“Like I said, mahirap magsalita ngayon kasi the next two weeks we’re really just negotiating,” pag-amin pa ni Ruffa.

Ano ba ang dapat asahan ng fans niya na sumusubaybay sa kanyang career?

 â€œSa lahat — talk show, teleserye, pelikula… I’m reading a script right now and hopefully matuloy. Napakaganda ng script.

“So, a lot of exciting things that’s gonna happen in 2013,” say pa ng beauty queen at actress.

Bukod sa kanyang career ay ang love life ni Ruffa ang palagi ring nauungkat sa kanya. May special na tao na ba na nagpapatibok ng kanyang puso ngayon?

 â€œLove life? Wala pa rin. Boring! Well, siguro hindi pa talaga dumarating ’yung para sa akin and hindi rin naman ako naghahanap din.

“I’m fine being single. I’m happy being single. I’m not looking for love right now.

“As a matter of fact, I really don’t care na wala akong love life sa ngayon,” deretsahang pahayag pa ni Ruffa.

Nag-react din si Ruffa nang maungkat ang balitang may nakitang ka-date siya sa Boracay.

“Well, I haven’t been in Boracay for a long time. I think the last time was a long time ago, December ba? Baka naman si Fabio Ide ’yun,” pagtukoy niya sa Bazilian-Japanese model-actor.

 â€œHindi ko naman siya ka-date, barkada ko lang si Fabio, ’no? He’s the only Brazilian that was in our group, definitely hindi ako ’yung ka-date niya.

“The only time I was in Boracay, that was November, it’s a friend’s birthday party. We’re about thirty people — both girls, guys, Filipinos, foreigners…

“And you know, I have a lot of beautiful friends so it doesn’t mean that because they’re beautiful I already have an affair with them kasi kung ili-link ako sa lahat ng guwapong friends ko, naku, sampu na ‘ata or twenty na mga boys na boyfriends ko kasi lahat sila guwapo!” natatawang paliwanag pa ni Ruffa.

Samantala, sa ngayon ay busy siya sa inoorganisa niyang fund-raising campaign sa Cebu para sa kanyang ina na si Annabelle Rama, na tumatakbong kongresista sa North District ng Queen City of the South.             

 

 

Show comments