Kabilin-bilinan ng ama, gamitin ang mga nalalaman, Kylie nakahanda na ang natutunan sa martial arts ’pag niloko ni Aljur

Sinorpresa si Kylie Padilla ng kanyang amang si Robin Padilla at ng kanyang lola na si Eva Cariño-Padilla nang magkaroon siya ng simpleng fans’ day na ginanap sa Manang’s Chicken restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Hindi mapigilan ni Kylie ang maluha nang dumating ang dalawang tao na importante sa buhay niya.

Inamin ng Kapuso leading lady na bida ngayon sa afternoon drama series na Unforgettable na matagal na rin niyang hindi nabibisita ang kanyang Lola Eva at hindi naman sila nagkakatugma ng schedules ng kanyang amang si Robin.

“I really miss my Mama Eva. Since wala po si mama (Liezel Sicangco) dito, si Mama Eva ang para ko nang mommy dito.

“I remember kasi noong bata pa po ako, gustung-gusto ko sa bahay niya. Ang dami po kasi niyang mga sapatos at damit. I would play dress-up with her. Artista rin po kasi si Mama Eva noon at ako ang number one fan niya,” pag-alala pa ni Kylie.

Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang amang si Robin ng sorpresang dumating ito. Nasabi rin ni Binoe na hanggang sa cell phone na lang sila nagkakausap ng kanyang anak dahil kapwa sila abala sa kanilang mga trabaho.

“I am so happy that he’s here to share this moment with me. Si Papa kasi sobra po ang suporta niya sa akin.

“Marami pa kaming pagkukuwentuhan ni Papa and he promises to have a long talk with me sa bahay. Gusto niyang ma-update sa mga nangyayari sa akin,” pahayag ng young actress.

Binibiro raw ni Binoe ang tungkol sa love life ni Kylie ngayon.

“Binibiro ako ni Papa. Sabi po niya, pareho lang daw kami. Kapag tungkol sa love life, nakakalimot kami.

“I said, ‘Papa, that’s not true!’ Sinagot po niya ako, ‘Totoo kaya!’” sabay tawa ni Kylie.

“Right now, Papa is very supportive na with my personal life. Okay na ang lahat between him and Aljur (Abrenica). Kailangan lang pala na bigyan si Papa ng time to realize that I’m a grown up na and I can take care of myself.

“Basta lagi niyang paalala sa akin na gamitin kay Aljur ang mga natutunan ko sa martial arts kapag niloko niya ako. Huwag lang daw ako basta iiyak, ipakita ko raw na kaya kong ipaglaban ang sarili ko,” tawa ulit ni Kylie.

Camille hindi priority ang miyembro ng Philippine Volcanoes

Hindi nga pabor si Camille Prats sa long-distance love affair kaya alam niyang hindi magwo-work out kung sakaling magkaroon sila ng relasyon ng Philippine Volcanoes player na si Kenneth Stern.

Tama na ’yung minsan silang nag-date at kung nais daw ituloy ni Kenneth ang panliligaw wala namang problema kay Camille.

“Everyone knows na nabiyuda ako at may isang anak ako. Hindi madali na pumasok sa isang bagong relasyon. Maraming tao ang magbibigay ng opinion nila.

“Gusto ko lang na maging maingat dahil importante pa rin sa buhay ko ay ang anak ko. Sa kanya ako nakasentro at hindi sa pagkakaroon ng bagong relasyon,” sabi niya.

Isa pang importante kay Camille ay ang kanyang career. Aktres siya sa teleserye na Bukod Kang Pinagpala at TV host naman siya sa Mars.

 

Show comments