Kung ang mga kapatid ni BB Gandanghari ay hindi pa siya matanggap sa bago niyang katauhan, may isa naman siyang kamag-anak na tumayo at nagsalitang tanggap na tanggap siya nito ay ito ay walang iba kundi ang saÂriling pamangkin na si DaÂniel Padilla.
Sa panayam ng The Buzz sa sikat na sikat na young actor, sinabi niyang nirerespeto niya ang kanyang Tita BB sa naging choice nito sa buhay as long as masaya ito.
“Ako po kasi hindi naman po talaga ako dati close sa Padilla pero ngayon habang tumatanda, nagiging close na po ako. Nakikita ko naman kay Tito Rustom, masaya po siya eh. Wala po tayong masasabi kasi masaya si Tito Rustom. Kaya masaya na po ako para sa kanya,†sabi ni Daniel.
Dagdag pa niya, wala naman siya sa posisyon para hindi tanggapin ang uncle.
“Wala po akong karapatan para hindi tanggapin si Tita B. Ang importante, masaya siya, masaya ako,†he said.
May exclusive interview din kay BB ang The Buzz at inamin niyang napakasakit para sa kanya ang hindi tanggapin ng sariÂling pamilya.
“Kasi we are social people, we need to be accepted. It’s a need. So when you feel rejected, masakit. ’Tapos pamilya mo. So, para kang sinasaksak ng paulit-ulit. And yet, kailangan mo pa ring maintindihan, otherwise, it’s very devastating,†sabi ni BB.
Naiintindihan naman niya ang mga kapatid pero wala na siyang magagawa pa kung ayaw talaga siyang tanggapin.
Say pa ng gay actor, “Napakasakit kasi ang hindi matanggap ’yung pagkatao ko. This is not just a matter of what I want but ito ang natural ko so I cannot really do anything. As much as madaÂling pagbigyan na kung kausap ako, dapat si Rustom ako, kaso hindi na nga ako si Rustom. So would I pretend again?â€
Pero hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na dumating din ang pagkakataon na finally ay matanggap siya nang buung-buo ng mga kapatid.
“I hope and I wish na one day puwede kami makapag-usap. But these things you don’t push. These things you don’t just say let’s sit and talk kasi dapat may readiness. I don’t think at this point ay neither of us is willing and ready to face each other,†say niya.
Pagdating naman sa nakababatang kapatid na si Robin, na-touch naman kami sa sinabi ni BB.
“Si Robin, pareho kami ng linya ng trabaho, so, may mga time na kami ang nagkakaintindihan. Matulungin din si Robin as a brother. There was a time nakatira rin siya kay Rustom. I miss those times. But Robin and BB, they don’t know each other at this point,†diretsong pahayag ng dating Rustom.
El Presidente sa DVD hinihingi ng mga eskuwelahan
Kahit tapos nang ipalabas ang El Presidente, ayon sa bidang si Governor ER Ejercito, he feels proud for doing this film dahil tumalakay ito sa tunay na buhay ng kauna-unahang pangulo ng Pilipinas.
Bukod dito, ikinatutuwa niya na maraming eskuwelahan ang humihingi ng DVD copy ng El Presidente para maipapanood sa mga estudyante ang kasaysayan ni Gen. Emilio Aguinaldo.
Dahil tumatakbong reelectionist si ER, after election pa niya mauumpisahan ang kanyang filmfest entry na siya ring launching movie ng anak niyang si Jericho Ejercito, ang Ben Tumbling.
“Mas gusto nilang gangster ako sa pelikula kaya balik-gangster ako,†he said sa presscon para sa kanyang proyekto sa Laguna na La Laguna Festival.
Basta hindi siya titigil na makagawa ng isang pelikula sa isang taon para makatulong sa industriya at sa mga kaibigan niyang artista na walang proyekto, gano’n din ang mga tao sa teknikal na umaasa sa kanya.
Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan muna ni ER ay ang third La Laguna Festival na may temang Sa Puso at Diwa… Una sa Lahat ang Bagong Laguna. Magsisimula ito on March 8 at matatapos on the 17th.