Dahil sa nangyaring milagro sa kanyang anak na nagkaroon ng malubhang sakit noon, nais ng dating Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario na tumulong sa maraÂming bata sa pamamagitan ng Operation Compassion na siyang nagpapatakbo ng iFoster, isang foster care home para sa mga orphan o ulila.
Naging advocacy na ni Andrea ang tumulong sa maraming bata, lalo na noong gumaling ang kanyang baby girl na si Beatrice na magti-three years old na ngayon.
Hindi kaila sa lahat ang matinding pinagdaraanan ni Andrea nang maospital ang kanyang bagong silang pa lang noong baby sa Amerika. Isang taon itong naospital at ilang operasyon ang pinagdaanan ng paslit.
“I am thankful for the miracle that God did sa buhay naming mag-ina. Walang makapagsabi kung masu-survive ng anak ko ang mga pinagdaanan niya. Pero tingnan n’yo na siya ngayon. She’s turning three this year at ang lusug-lusog niya. Parang hindi nagdaan sa matinding sakit. That is a miracle from God,†nangiyak-ngiyak na kuwento pa rin ni Andrea.
Kaya tuwing birthday ng kanyang anak ay hindi basta party lang ang ginagawa ni Andrea. Gusto niyang makapiling ng kanyang anak ang ibang mga bata para makapag-share sila ng blessings nila.
“Gusto ko meaningful parati ang kaarawan ni Bee. Hindi kami nagpa-party sa isang bonggang venue. Pumupunta kami sa mga bahay-ampunan. We want to share the blessings with them.
“Nakikita ko na ang saya-saya ng anak ko habang kasama niya ang mga bata. Ang sarap makitang buhay siya and enjoying her birthday with kids her age,†sabi ng aktres.
Kaya nais tumulong ni Andrea sa iFoster para mas maraming bata ang mabigyan ng atensiyon at pag-alaga. Sa pamamagitan ng kanyang negosyo na Longganisa Sorpresa, a part ng kinikita ng bawat branch ay binibigay nila sa iFoster.
Nagdagdag pa sila ng pastries sa kanilang business na Bee’s Sweet. Magkakaroon na nga ng foodcarts at kiosks ang kanyang longganisa business.
“It’s my own little way of helping these kids get the proper medical and educational attention.
“Naghihintay lang naman ang mga batang ito for their foster parents. So habang wala pa, naalagaan sila nang husto like any other kid na may mga magulang,†dagdag pa ni Andrea.
Nasa plano rin ni Andrea na maging foster parent sa isang bata.
“Nag-submit na ako ng application ko. Lumalaki na kasi si Bee. Gusto ko rin may nakikita siyang ibang bata na inaalagaan ko, the same way sa pag-alaga ko sa kanya.
“Hindi pa naman siya naghahanap ng kapatid niya. Ako ang naghahanap nang puwede niyang maging kapatid. Para ma-feel niya na isa na magiging ate siya someday,†sabi ni Andrea.