Pinoy stars walang binatbat ang mga bihis sa Oscars

Kahit hindi nominated si Ben Affleck as Best Di­rector for Argo, ang kanyang ginawa ang napiling Best Film sa 85th Academy Awards na napanood sa atin yesterday morning.

Ang Taiwanese/American na si Ang Lee ang nanalong Best Director for The Life of Pi na nagwagi rin as Best Visual Effects.

Ang sarap mangarap na sana tulad ng Oscars, na pawang mga ayos na ayos ang mga artistang dumalo sa Dolby Theater, ang darating na PMPC Star Awards for Movies on March 10.

Si Jennifer Lawrence ang Best Actress at Da­niel Day-Lewis ang Best Actor, with Christoph Waltz and Anne Hathaway as Best Supporting Actor/Actress.

Direk Elwood napapayag sa Sineng Pambansa

Last time namin nakakuwentuhan si Director Elwood Perez ay noong birthday party ni Mother Lily Monteverde, Aug. 19, 2012. Nabanggit namin sa kanya na dapat bumalik siya sa paggawa ng pelikula. Nanghihinayang kami na kahit sa mga teledrama ay wala yata siyang ganang magdirek.

After six months, nabalita nang balik-pelikula si Direk Elwood. Kasali siya sa Sineng Pambansa Master’s Festival na magsisimula sa September. Isa siya sa 12 batikang direktor na binigyan ng P1.5-million grant ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) upang masimulan ang kanya-kanyang project.

Ang lahok niya, Proserpina ng Maynila, na baka sa Kamaynilaan kunan. Maaaring may mga tagpo rin ito sa Pampanga dahil tagaroon si Direk Elwood. Ngayon pa lang marami nang nag-aabang sa Proserpina ng Maynila. Kilala natin ang Elwood Perez na kakaiba ang sariling style sa pagdidirek. Gagawin niya ang lahat upang umangat naman ang kanyang bagong obra sa gawa ng 12 pa (dahil mag­kasama sina Peque Gallaga at Lore Reyes sa pelikulang Sonata), na ang balita ay magiging co-producer si Cherrie Gil.

Lebanese BF ni Lotlot aprubado na ng mga anak

Pagdating ni Nora Aunor from the States, tiyak na ipapakilala sa kanya ang Lebanese boyfriend ng anak ng Superstar. Na-meet na ng handsome guy ang mga anak ni Lotlot de Leon. Approved naman silang lahat dahil mukhang maligaya ngayon ang kanilang mother.

Sampung taon na kasing single si Lotlot at buti naman nakakita na siya ng bagong partner.

Aktres pinaglalaruan lang ang karelasyong aktor

Kahit sino sa kanila, ayaw umamin na meron silang formal relation. Naibulong kasi ng pilyang aktres sa isang close friend na talagang hindi seryoso ang kanilang affair.

Ibig bang sabihin nito tikiman lang ang nangyari? Kapag nalaman nilang they are not compatible, split agad sila? Paano kung ma-in love na ang guy at nais na niyang seryosohin?

Napakasakit naman, Kuya Eddie kung aayawan agad siya ng girl!

Miss Saigon talents na nakuha nang magpa-audition dito nananahimik na

Hanggang ngayon wala pang final na balita sa mga nangyari sa nakapasang Pinoy talents sa audition ng Miss Saigon para sa revival nito sa London, England.

Sana malaman natin kung napunta na talaga kina Rachelle Anne Go and company ang mga lead role sa stage musical ni Cameron McKintosh. Baka magsisimula na sila ng actual rehearsal doon, tahimik lang silang lahat.

 

Show comments