MANILA, Philippines - Magkaiba raw ang pakikitungo sa fans ng dalawang artista kapag sabay na naiimbitahan sa out-of-town shows. Kung si Artista 1 ay magiliw sa fans sa pagpapa-picture at kiss, ’yung isa naman, dedma lang sa gustong magpakuha ng souvenir photos.
Although mas malakas ang hatak ni Artista 2 sa tao, hindi naman niya ito masyadong pinahahalagahan. Bagkus ay binabalewala niya ang mga ito dahil after ng show, tumatakas ito at naghahanap ng exit na iba upang maiwasan ang fans, huh!
Mabuti na lang at hindi naaapektuhan ang TV show na kinabibilangan ng dalawa sa ugaling magaspang ni Artista 2 dahil mataas pa rin ang ratings ng programa.
‘Pinas tanggal na sa watch list, OMB nagmamalaki
Ipinagmamalaki ni Ronnie Ricketts ang achievements niya bilang chairman ng Optical Media Board (OMB) sa presscon ng bagong movie niya na The Fighting Chefs kasama si Chef Boy Logro.
“We have just have this 301 Report. ’Yung 301 para malaman ninyo, ever since kasi, ’yung Pilipinas nasa watch list. Tinanggal na po tayo sa watch list and we’re special mention here sa 301 Report, ’yung hardwork ng OMB, ng IPO (Intellectual Property Office)…
“Wala na po tayo sa watch list. Nasa special mention na po ang Pilipinas. This is a big leap,†deklara ni Ronnie na dahil sa kampanya nilang Bawal Kumopya ay naging markado ito sa ibang bansa.