Wala na pala si Robin Padilla sa sitcom ng ABS-CBN na napapanood tuwing Sabado. Wondering kasi ang fans ni Robin dahil former cast na lang ng Todamax ang description sa pangalan niya sa isang website.
Ang alam ko, nag-goodbye muna si Robin sa Todamax dahil gusto niya na mag-concentrate sa taping ng Kailangan Ko’y Ikaw. ‘Yun lang ang alam ko na dahilan. Wala nang iba pa.
Gina dinidirek na ang dating ka-love team
Si Gina Alajar ang direktor ng Unforgettable, ang unang afternoon drama series ni Phillip Salvador sa GMA 7.
Si Gina ang madalas na kapareha noon ni Ipe sa mga pelikula ni Lino Brocka pero ngayon, direktor na niya ang kanyang former leading lady.
Puring-puri ni Gina si Ipe dahil mahusay na aktor ito. Bakit hindi eh si Lino Brocka ang kanilang mentor kaya mga award-winning actor sina Gina at Ipe.
May talent din si Ipe bilang direktor. Payag siya na mamahala ng isang teÂleserye kung may mag-aalok sa kanya ng magandang television project.
Istorya ni Lim biglang tinapos ni Cesar
Biglang natapos ang post-production works sa Alfredo S. Lim: The Untold Story kaya natuloy ang press preview nito kahapon.
Kasusulat ko pa lang na hindi matutuloy ang press preview pero nakatanggap ako ng text message tungkol sa special screening.
Ipinagmamalaki ni Cesar Montano ang pelikula niya dahil maganda ang pagkakagawa nito. Hindi raw nakakahiya na isali sa mga international film festival ang film-bio ni Manila City Mayor Alfredo Lim na in the news ngayon dahil sa word war nila nina Vice Mayor Isko Moreno at former President Joseph Estrada.
Kevin at Mark sabay nagpapayat
Malaki na ang ipinayat ni Kevin Santos na starring din sa Unforgettable ng GMA 7.
Si Kevin ang gym buddy ni Mark Herras at dumarayo pa sila sa isang gym sa Commonwealth, Quezon City para mag-exercise.
Ang pagpayat ni Kevin ang unang napansin ng mga reporter na umapir sa presscon ng Unforgettable noong Miyerkules ng gabi.
Talent ni Joe Barrameda si Kevin. Hindi nagkulang si Joebar sa pagpapayo kay Kevin na magbawas ng timbang or else mahihirapan siya na mabigyan ng regular show ng GMA 7.
Ogie magko-concert sa Hot Air Baloon Festival
Ngayon ang unang araw ng OPM Music Festival sa Clark Airbase sa Pampanga at kasabay ito ng Hot Air Balloon Festival.
Iniimbitahan ni OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) President Ogie Alcasid ang lahat na tangkilikin ang OPM Music Festival.
May kalayuan ang venue pero sulit ang pagpunta roon. Tiyak daw na mag-e-enjoy ang lahat dahil sa performances ng mga Pinoy artist at ang makapigil-hininga na paglipad ng mga hot air balloon.