Young actress parating nakababad sa condo ng actor pero getting to know lang daw sila!

Nasa getting to know each other stage pa raw lamang ang drama ng isang young actor and young actress pero ayon sa aming source madalas niyang makitang nanggagaling si young actress sa condo ni young actor.

Sen. Jinggoy sinalubong sa birthday

Happy birthday today, Feb. 17, kay Sen. Jinggoy Estrada. Kagabi ang salubong sa kanyang 50th birthday sa Manila Hotel Tent City, One Rizal Park sa Manila na dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics. 

Richard puwede na kay Lovi

Kahapon ay nag-last shooting day na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera ng kanilang second movie together, ang My Lady Boss, kaya naman kaninang umaga ay nakalipad na si Richard sa Bayawan City in Negros Oriental para sa Tawo-Tawo Festival doon. 

Makakasama niya sa colorful float parade ang iba pang Kapuso stars, sina Chynna Ortaleza, Katrina Halili, at Andrea Torres. 

Pagbalik ng Manila, magiging busy na rin si Richard sa pagda-dub nila ni Marian ng movie nila at sa pagsisimula ng taping ng bagong soap niya sa GMA Network with Lovi Poe since nasa final week na simula bukas ang afternoon prime nito na Yesterday’s Bride.

Derek nanlamig na kay Nadine

Bakit kaya biglang lumamig ang issue kina Derek Ramsay at Nadine Samonte dahil kaya sa biglang namatay ang character ni Nadine sa fantaserye ng TV5 na Kidlat? 

Siguro muli silang pag-uusapan kapag bumalik na si Nadine pero iba na ang character. Kaya nakatuon muna si Direk Mike Tuviera sa mga bagong characters na papasok na kalaban ni Kidlat, sina Shaira Mae at Mark Newman, gra­duates ng Artista Academy at sina Paolo Ballesteros at baguhang si Valerie Wiegmann na mapapanood at 7:00 p.m. daily.

 

 

Show comments